VEGETABLE TRADER PATAY SA AMBUSH

BATANGAS – Patay ang isang negosyante ng gulay na taga Nueva Ecija na dumadayo pa ng pamimili sa Tanauan City, matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Elmar Fabroa, 39, tubong Banay-Banay, Davao Oriental, at residente ng Gapan, Nueva Ecija.

Batay sa report ng Tanauan City Police, mag-aala-una ng hapon, nakaupo ang biktima sa driver seat ng kanyang sasakyan na kinakargahan ng mga gulay, nang malapitan itong pagbabarilin ng suspek sa Brgy. Luyos, Tanauan City.

Mabilis namang tumakas ang suspek na sumakay sa isang itim at pulang motorsiklo matapos ang pamamaril.

Ayon sa kapatid na si Mae Fabroa-Fatima Noor, wala umanong nababanggit sa kanila na nakaalitan ang biktima.

Wala rin umano itong kakilala sa lugar kundi ang inaangkatan nito ng mga gulay na dinadala nito sa Maynila.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Tanauan City Police at inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek at kung ano ang motibo sa krimen. (NILOU DEL CARMEN)

37

Related posts

Leave a Comment