PUBLIKO BINALAAN SA SOCMED PREDICTIONS SA LINDOL

NAGBABALA ang Department of Science and Technology–Phivolcs laban sa mga kumakalat na social media predictions tungkol sa umano’y paparating na malakas na lindol. Ayon sa ahensya, wala pang teknolohiya na kayang hulaan kung kailan at saan tatama ang lindol.

“Walang koneksyon ang mga lindol sa Luzon, Visayas, at Mindanao. May kanya-kanyang fault system ang mga ito,” paliwanag ni Johnlery Deximo, senior science research specialist ng Phivolcs.

“Ang mga kumakalat na prediction ng magnitude 8 o 9 na lindol ay walang katotohanan,” dagdag niya.

Babala ng Phivolcs, ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon o “content para sa likes” ay nagpapakalat lang ng takot at kalituhan. Sa halip, hinimok ang publiko na kumuha ng impormasyon mula sa opisyal na Phivolcs channels.

Kamakailan, nakapagtala ng apat na malalakas na lindol ang ahensya sa Davao Oriental at Surigao del Sur — kabilang ang magnitude 7.4 quake sa Manay, Davao Oriental — ngunit nilinaw na ang mga sumunod na pagyanig ay aftershocks lamang at hindi senyales ng mas malaking lindol.

(JESSE RUIZ)

97

Related posts

Leave a Comment