REP. ROMERO, NANGUNA SA YAMAN AT SIPAG SA KONGRESO

MULING naging usap-usapan si House Deputy Speaker at 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero nang ilabas ng Forbes magazine ang talaan ng 50 bilyonaryo sa buong Pilipinas.

Ngayong taon, sa apat na Filipino na nakapasok sa listahan ng Forbes, isa si Rep. Romero sa mga ito na nasa 46th na pwesto at mayroong networth na $135 million or P6.5 billion.

Hindi na bago si Rep. Romero sa listahan ng Forbes, mula nang mahalal sa Kongreso noong 2016. Nakilala na ito bilang pinakamayamang mambabatas sa taong 2017, kung saan ang yaman na ito ay nagmula sa angkin niyang talino sa pagpapatakbo ng mga negosyo bago pa man maging mambabatas.

Sa kabuuan, ito ay pangatlong sunod na taon na ni Romero sa paghawak ng record bilang pinakamayaman na congressman sa buong Pilipinas.

Kamakailan lang, naging laman ng mga pahayagan at internet si Deputy Speaker Romero nang maging kapuna-puna ang sipag nito nang masilip ang talaan ng “Bills and Index” sa Kamara.

Umani ito ng papuri nang makita sa records ang higit sa 700 panukalang batas na naitala nito sa loob ng apat na taon niyang pag-upo bilang 1st Representative ng One Patriotic Coalition of Marginalized Nationals (1Pacman) party-list.

Ang 47 sa panukala nito ay ganap nang kapaki-pakinabang na batas ngayon matapos pormal na malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kabilang dito ang ekstensyon ng driver’s license ng limang taon, ang Free Irrigation Act, Philippine Sports Training Act at Mandatory PhilHealth coverage para sa lahat ng may kapansanan. At kamakailan lang ay ang Bayanihan Act 1 and 2, na nagsalba sa bansa at mamamayan sa gitna ng pandemya sa kasalukuyan.

“Wala po akong ibang masasabi pa kung hindi, salamat sa Maykapal… sa kaloob niyang malinaw na pag-iisip at kalusugan upang tayo ay maging instrumento sa pag-tulong sa mga mas nangangailangan. At sa Presidente na siyang nag-apruba ng mga batas na ito,” pahayag ni Romero.

Ayon sa mambabatas, pinaghahandaan nila sa kasalukuyan ang mga maari pang itulong sa mamamayan at bansa upang maibsan ang paghihirap na dulot ng COVID-19.

248

Related posts

Leave a Comment