CAVITE – Patay ang isang 37-anyos na motorcycle rider makaraang banggain ng kasalubong na van sa Cavite City sa lalawigang ito.
Ang biktimang kinilalang si Ernesto Tucay Jr., may asawa, ng Plaza San Isidro, Cavite City ay isinugod sa Bautista Hospital ngunit kalaunan ay inilipat sa Saint Martin Hospital kung saan siya binawian ng buhay.
Hawak na ng pulisya ang driver ng isang Suzuki Ertiga van (NCH 1841) na si Marifi Meneses, 39, ng Block 36, Lot 7A, Phase 5, Parklane Subd., San Francisco, Gen. Trias City.
Ayon sa ulat ni P/MSgt. Jonathan Baclas ng Cavite City Police Station, minamaneho ni Meneses ang kanyang van habang binabagtas ang kahabaan ng J. Felipe Blvd., sakop ng Brgy. 38 ng naturang lungsod dakong alas-9:20 ng umaga noong Linggo ngunit nang mag-U-turn sa opposite lane ay bumangga sa kasalubong na motorsiklo ng biktima.
Makaraan ang anim na oras sa pagamutan ay binawian ng buhay ang biktima. (SIGFRED ADSUARA)
170
