SEN. MARCOS SA UP UP PILIPINAS

MATAGUMPAY na nailunsad nitong Miyerkoles ang teleradyo ng Philippine Air Force’ Usapang Pangkapayapaan, Usapang Pangkaunlaran (UP UP PILIPINAS) – ang bago nitong segment na Usapang OFW.

Tinatampukan ito ng kinagigiliwang opisyal ng Philippine Air Force na si Col. Gerry Zamudio at co-host na si OWWA Board of Trustee Dr. Chie Umandap.

Nakatakdang maging special na panauhin si Sen. Imee Marcos na magbabahagi ng kanyang maraming programa na makatutulong pati na rin sa mga OFW. Kasama sa panel na magi-interview ang ilang piling Online broadcaster na naka-base sa ibang bansa na sina Bhong David ng MCVO-CIS Radio-Netherlands, Surdo Salanap ng Riyadh OFWAAH Radio at Florante Rosales ng FR News Pinoy TV.

Ang UP UP Pilipinas Teleradyo ay mapapanood at mapapakingan tuwing Miyerkoles alas-6 hanggang alas-7 ng gabi sa DWGV AM 792 Khz- Central Luzon, DWDD-Manila, DWLC-Lucena, 99.9 GV FM – Batangas, DYMR -Cebu, Balisong Hot Radio online at PAF Virtual TV and UP UP Pilipinas FB Accounts.

162

Related posts

Leave a Comment