A TALE OF TWO REAL-LIFE SUPERDUPERWOMEN

nanet12

VIS A VIS copy.jpg(RONNIE CARRASCO III)

UNA, parehong ginampanan ng aktres ang papel bilang Darna: Nanette in 1991 under Viva Films; Angel in GMA’s TV series in 2005.

Ikalawa, alam n’yo bang isinasabuhay nina Nanette at Angel ang pagiging bayani sa mga nangangailangan ng ayuda?

Bilang founder ng kanyang Generation Hope, Inc. since 2014, nag-donate recently si Nanette ng walong silid-aralan para sa mga mag-aaral sa Marawi City. Isa ang edukasyon sa mga adbokasiya ng kanyang organisasyon, bukod sa mga proyektong nakalaan para sa mga magsasaka.

Samantala, wala mang kinabibilangang NGO si Angel pero tinupad niya ang kanyang pangakong magbibigay ng scholarship grants to 31 sudents if she hit the 5-million mark ng mga sumusubaybay sa kanya on Instagram.

Umabot na sa 5.5 miilion ang kanyang followers aside from more than a million on Tweeter. Ang mapapalad na iskolar ay mula rin sa Marawi.

Napapanahon ang separate acts of charity na ito in the wake of reports on heavy donations from the international community as an aftermath of the Marawi crisis (also known as siege) in 2017.

Dalawang taon na nga naman since the war broke out which resulted in damages to property, pero mabagal umano ang pag-usad ng rehabilitasyon doon. Kinukuwestiyon din kung saan nakalagak ang pondo.

It’s a welcome news na malamang out there “in the wilderness” ay may mga tulad nina Nanette at Angel whose hearts go out to young students, whose advocacy is anchored on the importance of education.

Maaring hindi pa natin maiintindihan ang efforts ni Angel who’s very much around.

Bagama’t idinaan niya ‘yon sa mala-pakontes, hers is a selfless, noble display of charity (reminds us of Kris Aquino pero branded stuff naman await her lucky social media followers).

Mas nakakaangat nga lang nang bahagya ang kaso ni Nanette who shied away from the limelight a long time ago. Kelan pa ba ang huling TV show o pelikula ni Nanette? No one probably even remembers.

All that most people know ay pinakasalan ng half-Russian, half-Chinese actress si Chris Po, ang CEO at may-ari ng sikat na canned tuna brand.

At ang alam ng showbiz, Nanette graduated summa cum laude lang naman with a degree in finance and entrepreneurship. This very well explains kung bakit ganun na lang kahalaga kay Nanette ang edukasyon.

Kung kami lang ay may kapangyarihang mag-recommend ng government appointees, we would consider nominating either Nanette or Angel — or both — to the DepEd.

But of course, it’s like wishing we be handpicked to play the next Darna.

 

537

Related posts

Leave a Comment