ALDEN BAKASYON MUNA SA EAT BULAGA KASAMA SI KATHRYN

KAT123

LOURDES C. FABIAN(NI  LOURDES C. FABIAN)

TULOY na tuloy na ang pagsasamahang pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na kukunan sa Hong Kong.

Ang story daw ay strangers sina Alden at Kathryn na sa HK magkakakilala sa romance-drama movie na may touch ng kaunting comedy. Kung hindi mababago ang schedule ay 21 days daw sina Kathryn at Alden sa HK.

Kaya ang ibig sabihin nito ay bakasyon muna ang Pambansang Bae sa “Eat Bulaga.” Tiyak mami-miss ng AlDub fans ang kanilang idolo.

Balitang five months in the making bago nagkalinaw ang KathDen movie, ayon sa ABS-CBN Star Music.

Since nasa stage ngayon sina Kathryn at Daniel na ipini-pair sa iba ay marami ang nagsasabing bakit hindi muna ipareha si Daniel Padilla kay Liza Soberano. Meron ding nag-suggest na pagsamahin sila ni Maine Mendoza. May nagsabi naman na mas bagay raw si DJ kung ipapareha kay Sarah Geronimo.

Natutuwa ang mga taga-Star Cinema dahil positive ang mga feedbacks na nakarating sa kanila sa pagtatambal nina Kathryn at Alden.

 

  ANGEL NAGLAAN NG ORAS SA BF

 

NAGLAAN talaga ang Kapamilya actress na si Angel Locsin ng oras para maka-bonding ang kanyang kasintahan sa kaarawan nito. Para kay Angel, kakaiba at sweet ‘yung magkasama silang mag-horseback riding ng boyfriend niyang si Neil Arce. Ito ang napili nilang bonding sa kaarawan ng kasintahan.

Ibinuking ni Angel na takot si Neil sa kabayo kaya laking pasalamat niya na pinagbigyan pa rin siya ng celebrant. “Malay ko bang takot ka pala sa horses. Thanks for doing this… for 2 hours. Happiest birthday, mahal,” aniya.

Nag-alala ang marami niyang tagahanga sa behind the scene video na ipinost niya sa kanyang Instagram na isang eksena sa “The General’s Daughter” kung saan nakasabit siya sa ilalim ng tumatakbong truck. Baka raw makasama sa kanyang spinal injury ang mga ganung dangerous stunts. Mukhang handa niya talagang panindigan ang bansag sa kanyang the new action drama queen kaya naman kahit na delikadong mga eksena ay ginagawa niya.

 

                                      MARRIAGE VOWS

 

 

NASAKSIHAN ng malalapit na mga kaibigan nila sa industriya ang pagri-renew ng marriage vows ni Amy Austria at asawang si Duke Ventura habang nagku-cruise sa Manila Bay noong Huwebes, March 14. Napaka-intimate ng nasabing gathering na double celebration bale dahil natapat sa 20th anniversary ng mag-asawa ang birthday party ni Duke. Masayang ipinakita ni Amy ang kanyang bagong singsing sa followers niya on Instagram.

Kabilang ang matalik na kaibigang sina Tirso Cruz, Sandy Andolong at husband Christopher de Leon and a few close friends sa mga sumaksi sa milestone na ito.

 

 

 

5

Related posts

Leave a Comment