Mukhang nag-iiwasan at nagkakailangan na sa isa’t isa sina Alden Richards at Maine Mendoza.
Sa “Eat Bulaga”, pansin na pansin na kahit magkatabi ang dalawa ay hindi sila nagtitinginan.
Nabago ang lahat sa dalawa nung umamin na si Maine na she’s dating Arjo Atayde. Nanatiling tahimik lang si Alden sa issue at never itong nagsalita o nag-comment ng hindi maganda about Maine.
‘Dun na natapos ang AlDub. Kahit pa ano’ng sabihin ng iba, the end na ang AlDub. Kahit ‘yung umaasang magkakatuluyan ang dalawa, tanggap nang tapos na ang tambalang minahal nila.
‘Yun lang, may bagong project kay Alden. Kinuha siya ng Star Cinema para itambal kay Kathryn Bernardo sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.
Interesado rin ang Viva Films kay Alden upang itambal naman kay Sarah Geronimo.
Eh, si Maine? May bago ba sa kanya other than lagi itong nakapulupot sa dyowa niya? May upcoming projects ba siya bukod sa “EB” at “Daddy’s Gurl”? May mga bago bang endorsements?
Kung no ang sagot, ibig lang sabihin, gusto lang siya ng mga tao kapag si Alden ang katambal. Kahit ‘yung “ilusyon” ng iba na ipapartner siya kay Daniel Padilla, we dont think so may interesado o baka kahit si Daniel, eh, aayaw.
Kung kay Alden maraming pwedeng ipartner, meron ba kay Maine?
Sabay silang minahal ng masa. Ngayong buwag na ang AlDub, aabangan natin kung sino ang susuportahan ng mga fans, si Alden ba o si Maine?
JUSTIN ALVA NG ‘THE VOICE KIDS,’ MAG-AARTISTA NA RIN
Remember Justin Alva, ang batang nagpakabog ng inyong mga puso sa “The Voice Kids” dahil sa galing niyang pag-awit? Hindi man nanalo, nag-iwan ng marka ang mahusay na performances ni Justin na minahal sa kanya ng kanyang mga fans.
Hindi man naging top winner, sunud-sunod naman ang mga invitation sa kanya mula sa iba’t ibang probinsya at sa Quezon Province. Tubong Lucena City si Justin (kababayan namin) kaya naman ganun na lang ang suporta ng mga Quezonians sa kanya.
Actually may mga inquiries kay Justin from “MMK,” “Ipaglaban Mo” at iba pang mga TV programs ng Dos, kaso, hindi naman natutuloy dahil sa mismong araw na pinapaluwas siya, eh, nasa probinsya sila, noh!
Pero masaya si Justin ngayon dahil makakasama siya sa isang indie film na may tentative title na Sa Mga Sulok Ng Pangarap. Mismong sa mga bayan sa Quezon Province ang shooting nito.
Makakasama ni Justin ang mga local talents from different regions ng Quezon. Nakikipag-negotiate pa ang production team sa mga artistang makakasama sa indie film gaya nina Akihiro Blanco, Kim Rodriguez, Bugoy Cariño, Christian Vasquez, atbp.
Next week na magaganap ang storycon and after Holy week sisimulan ang shooting.
320