ALESSANDRA DE ROSSI, DIREKTOR NA RIN

ANG  award-winning aktres na si Alessandra de Rossi ay isang direktor na rin. Gumiling na ang kamera para sa kanyang directorial debut, ang pelikulang Fuffy and Fream starring Piolo Pascual.

Ibina­lita rin ito ng aktres-direktor sa kanyang Instagram account.

Sa isang larawan ni Piolo na natutulog sa set, ito ang caption niya: “Ano toooh! 1st take, tulog ka?” Sa isa pa, “Oh, here we go! Day 1!”

Sa mga larawang ipinoste ni Alessandra, mukhang kasali rin siya rito bilang artista. Wala nang ibang detalye ang ibinahagi ng production tungkol sa naturang pelikula.

131

Related posts

Leave a Comment