SWAK: Tuwang-tuwa ang mga taga-GMA 7 sa mataas na rating ng All-Out Sundays na nagsimula noong nakaraang Linggo.
Ayon sa AGB-NUTAM naka-6.1 percent ito at 5.7 percent ang katapat na ASAP Natin ‘To.
Pero ang claim naman ng ABS-CBN 2, ang ASAP naman daw ang nag-rate nang mataas.
Ayon sa kanilang survey group na Kantar Media, nakapagtala ng 11.7 percent ang ASAP at 9.7 daw ang AOS.
Nasa mga tao na ‘yan kung alin ang gusto nilang panoorin.
Ang mahalaga, nag-enjoy ang mga televiewers sa mga magagandang panoorin sa TV tuwing Linggo ng tanghali.
MARAMING TAGA-ASAP ANG DAPAT MAG-‘ALL OUT’ EVERYDAY
SEE: Pinaglaruan naman ng mga bading ang dalawang programang ito ng ABS-CBN 2 at GMA 7.
Komento ng ilang bading, mas nababagay daw sa mga Kapamilya stars ang titulong All-Out Sundays, dahil ang dami raw doon na dapat nang mag-out.
Eh sa Kapuso network, at least nakapag-out na raw si Mark Bautista kaya bagay siya sa All-Out Sundays.
Eh ang dami raw sa taga-ASAP ang dapat nang mag-‘all-out’.
AGA LUMAYO PA KAY VICE
SWAK: Lalo pang lumayo ang agwat ng Miracle in Cell No. 7 sa pumangalawa na The Mall The Merrier.
Ayon sa aming reliable source, umabot na ng 375M ang Miracle… ni Aga Muhlach at naka-305M ang The Mall…ni Vice Ganda.
Pangatlo pa rin ang 3Pol Trobol na naka-85M at 70M naman ang Mission Unstapabol, at 20M ang Sunod, 15M ang Mindanao, 5M ang Write About Love at 4M naman ang panghuli na Culion.
Ngayong linggo na matatapos ang MMFF 2019 at ilalabas na rin ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival ang ranking at total gross ng walong pelikulang kalahok.
Mukhang hindi nito naabot ang kinita ng nakaraang taong filmfest, pero hindi naman bumaba nang husto.
Marami raw kasing i-consider, kagaya ng bagyong sumalanta sa Visayas at Mindanao, at mahal na rin kasi ang ticket sa sinehan, kaya hanggang dalawa o tatlong pelikula lang ang kayang panoorin ng mga tao at hindi na kayanin ang lahat na kalahok.
KAPAMILYA NAKAHANDA NA
SEE: May nakarating na kuwentong isang kilalang movie producer daw ang kinausap ng taga-ABS-CBN 2 kung gusto nitong maging bahagi sa transition ng Kapamilya network kung sakaling hindi ma-renew ang franchise nito.
Hindi lang madetalye ng producer kung ano ang magiging role niya, pero kaagad na tumanggi na raw siya dahil ayaw niyang sumakit pa ang ulo niya.
Mas gusto raw niyang pa-relax relax na lang siya at ayaw na raw niyang maghanap pa ng dagdag na problema.
Napapag-usapan na rin lang itong isyu ng renewal ng franchise, nilinaw daw taga-ABS-CBN 2 na walang bentahang mangyayari, at nakahanda na raw kung ano ang posibleng mangyari kung sakaling hindi nga sila mari-renew.
221