ANDREA: AYOKO NANG MAY KAHATI

(NI RONALD M. RAFER)

DAHIL shelved na ang “Rosang Agimat” na sana’y papalit sa “Kara Mia,” ni-rush ang promo ng “The Better Woman” upang isalang agad at mapapanood na ngayon (Lunes ng gabi) pagkatapos ng “Sahaya” sa Kapuso Network.

Nakatakdang husgahan ngayong gabi ang tambalan nina Andrea Torres at Derek Ramsay. Laplapan to the max daw agad-agad ang mapapanood dito. Mapangahas at maiinit ang mga eksena ng dalawa.

Dahil sa mga maseselang eksena na sabi ni Andrea ay hindi na siya nagpakiyemeng gawin, handa na raw siya na ma-link sa kapareha. May masasabi raw talaga ang mga tao lalo pa’t aakalain mong totoo ang mga mahaharot nilang eksena.

“Actually, napaka-gentleman ni Derek. Nag-uusap muna kami bago namin gawin ‘yung mga eksena para daw ‘wag akong magulat. Saka inaalalayan niya ako. Never kong naramdaman na nag-take advantage siya. Trabaho lang talaga ‘yung ginawa namin. Hindi lumampas pa roon,” pahayag ni Andrea sa presscon.

Kasalukuyang ginagawa nila ang show nang mabalitang nag-break na sina Derek at ang gf nitong si Joanne Villablanca. Siyempre pa, agad pinaratangan si Andrea na “third party” at dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa.

“Oo, kinausap niya agad ako at tinanong kung okey ako. Kasi nga may mga tsismis na ako nga raw ang rason kung bakit nag-break sila ng girlfriend niya. Ako naman, alam ko naman na hindi totoo ‘yun kaya sabi ko, okey lang.

“Alam n’yo naman na lagi akong napagbibintangan at inaakusahang third party. Kaso, hindi naman totoo.

“Sa akin kasi, trabaho lang ‘yung tingin ko dun. Kung ano ang ibigay na role sa akin, gagawin ko. Wala nga akong limitations, eh. Basta papasa lang sa MTRCB. Nasa primetime kami kaya ingat din sa mga maseselan na eksena.

“‘Yung mga ganung tsismis, tinatawanan ko lang. Dedma lang. Bakit ako mag-i-explain, eh, wala naman akong dapat ipaliwanag. Kung tungkol sa trabaho, kunwari late ako, o hindi ko alam ang gagawin ko pagda­ting sa set o kaya hindi ko kabisado ang mga dialogue ko, ‘yun, that’s the time siguro na magsasalita ako. Pero ‘yang ganyang mga tsismis, naku, sayang lang ang oras ko,” paliwanag ni Andrea.

Huling natsismis si Andrea kay Dingdong Dantes nang magtambal sila sa “Alyas Robin Hood” at may tsika pa ngang kumalat noon na sumugod si Marian Rivera sa set dahil sa selos.

Hindi naman kataka-takang mabaliw nga ang mga lalaki sa kanya dahil napakaganda ng mukha at mayroong maalindog na katawan – bukod pa sa napakabait ng dalaga.

“Gusto ko siyempre ‘yung ako lang. Ayoko nang may kahati. Bakit ako makikipag-agawan sa pag-aari na ng iba, di ba?” litanya pa ni Andrea. Bongga!

 

125

Related posts

Leave a Comment