ANDREA TORRES MAY PASABOG NA 2019 CALENDAR!

(By: ROMMEL GONZALES)

Isang pasabog sa kaseksihang 2019 calendar para sa kanyang mga fans ang proyekto ngayon ni Andrea Torres.

“Ngayon po puwede nang mag-order.”

Sexy calendar ito.

“Sexy pero tame kumpara dun sa mga iba ko.

“Actually hindi pala tame, parang pareho lang dun sa mga dati kong nagawa.”

Meron bang month sa kalendaryo na nandun si Ratty o Ratatoskr, ang sidekick niyang creature sa Victor Magtanggol?

“Wala! Baka hindi ako pansinin, si Ratty ‘yung pansinin.

“Dapat si Ratty pinag-two piece ko, ‘no,” patawang sabi ni Andrea.

Mabibili ang sexy calendar ni Andrea sa halagang P850.

Hindi ito ipamimigay sa fans?

“Hindi po, pero kaya siya for fans kasi may promo kaming gagawin dun sa calendar para sa mga fans, na magkakaroon ng chance na mas parang… Basta may magandang sopresa para sa mga bibili.”

Patuloy pang kuwento ni Andrea tungkol sa kalendaryo niya…

“Twelve pages siya , tapos may stand siya,  hindi na siya parang poster, ‘yung ano na lang, ‘yung puwede mong ilagay sa table mo, para hindi mahirap ilagay sa kuwarto, pero may version na pahaba, pero hindi na kasing laki ng poster.”

Parang table calendar ito?

“Opo, table tapos ‘yung may vertical version din.”

Maaring um-order ng espesyal na kalendaryo ni Andrea sa www.materica.store/products/andrea-torres-2019-calendar at tiyak na mag-iinit ang gabi ng mga kalalakihan!

8

Related posts

Leave a Comment