DATI ay sumusunod lang si Cristine Reyes sa mga lakad ng kanyang Ate Ara Mina, lalo na sa showbiz events at premieres.
Pero ngayon, baliktad na at si Ara na ang nagsisilbing tila alalay ni Cristine.
Ilang beses nang present si Ara sa premiere night ni Cristine. Ang una ay sa action film nitong Maria, at ang ikalawa ay sa katatapos pa lang na opening movie ng QCinema International Film Festival, ang Untrue na pinagbibidahan ni Cristine at ni Xian Lim. Ginanap ito sa Gateway Cinema.
Komo si Cristine and bida at sentro ng atensyon ng lahat, sumesegunda na lang si Ara at sumusunod sa lakad ng kanyang nakababatang kapatid.
Gusto pa sanang chumika ni Ara sa mga kaibigan niya sa press pero tinawag na siya ni Cristine para lumabas na sila ng sinehan.
Tumatakbo pang sinundan ni Ara si Cristine habang papalabas ng venue na animo’y personal assistant ito.
Well, sikat ngayon si Cristine at mas bata, samantalang stable lang ang acting career ni Ara.
Too bad na wala nang nakababatang kapatid sina Ara at Cristine na puwedeng umalalay naman sa huli ‘pag ito ang pumalit sa kanyang posisyon na ginagawa ngayon ng ate niya sa kanya.
###
May pinagdaraanan ngayon ang sexy actress na si Kim Domingo base na rin sa kanyang Instagram post tungkol sa mga nais niyang iwasan.
Nakapukaw ng atensyon ng kanyang fans at followers ang post ng aktres tungkol sa mga taong hindi niya gustong makasama dahil nagbibigay ang mga ito ng bad vibes.
Babala at advice ang tema ng post ni Kim sa kanyang followers na iwasan ang mga taong hindi marunong mag-appreciate ng effort, akala kaibigan, ‘yun pala ay kaaway, mga walang respeto, mataas ang tingin sa sarili. Hindi tinukoy ni Kim kung sino ang pinatatamaan niya pero posibleng personal ang pinag-ugatan ng himutok niya.
404