BABALIK PA BA SI MAINE SA ‘EAT BULAGA’?

menggay12

MARAMI ang nagtatanong at nagtataka kung bakit wala na sa “Eat Bulaga” si Maine Mendoza.

Kumalat ang mga haka-hakang tinanggal na ang tinaguriang “Yaya Dub” na sumikat katambal si Alden Richards bilang AlDub, dahil sa mga recent revelations nito na sila na nga ng aktor na si Arjo Atayde.

Pero sa isang Instagram comment ni TAPE Inc. executive Malou Choa-Fagar, sinagot na niya ang katanungan: Hindi sinipa si Maine sa “Eat Bulaga”: “We did not take her out. It’s her sked that does not permit her to attend the show.”

Tinanong din ng isang netizen kung nandito sa Pilipinas si Maine. Sinagot ito ng executive ng, “Yes.” Sa tanong kung kailan babalik sa show si Maine, ang sagot ay “Depende sa sked niya. Ask the manager please.”

127

Related posts

Leave a Comment