LAM NA! Someone from the US of A na kakilala namin na may koneksyon sa NBA ang nagtsika sa tunay na nangyari sa magandang kapalaran sana ng anak nina Benjie Paras at Jackie Forster bilang the next big thing in the USA basketball circuit.
Ipinagbunyi kasi ng buong Pilipinas ang pagpunta niya sa Amerika sa isang supposed basketball scholarship.
Ilang basketball drafts na ang nakaraan sa university circles sa California, pero tila wala na yatang ingay na narinig mula sa guwapong binata.
Ayon sa aking source, kinulang pa rin sa height si Kobe kahit sabihin pang six-footer siya! Maliit pa rin siya sa standards ng mga Amerikano or junior basketball imports.
Sinabi pa ng nagtsika sa akin na – sa obserbasyon daw ng mga Amerikanong coaches – kinulang din daw ito ng motibasyon para mas galingan pa ang kanyang playing style.
Very typical Pinoy, sa tingin namin: Kapag confident na sa sarili, eh, stop na sa pag-practice.
Ngayon ay nakabalik na sa Pilipinas si Kobe at nag-aaral sa U.P. at naglalaro para sa Maroons team. Isa na namang pangarap ng isang Pinoy na nag-aasam na maging international, naudlot.
COCO, ‘WAG KANG MAGPAPAGAMIT SA MGA BULOK NA POLITIKO!
‘Yan ang mahirap kung nag-eendorso ka ng mga tao na hindi mo talaga kilala ang katauhan.
Sa kaso ni Coco Martin, sa tingin ko, biktima siya ng mga taong nagagamit ang magandang imahe niya noong nakaraang eleksyon ng party-list na Ang Probinsyano.
Noong unang lumabas ang political ads ng partido, si Coco kaagad ang pumasok sa isipan ko. At si Coco nga ang kanilang naging celebrity endorser.
Mali yata ang inendorso ng aktor dahil ang official representative ng party-list na si Rep. Alfred delos Santos ay hot topic ngayon (kahit nag-sorry na siya) sa pananapak ng isang waiter ng isang restaurant. Under the influence of alcohol daw ito.
Reaksyon ng mga kausap ko, dapat daw ay hindi nagpagamit ang aktor kahit tapatan man ng milyones ang endorsement niya.
Next time, Coco, hindi lahat ng gagawin mo ay pera lang ang sukatan. Ang laki ng tiwala sa iyo ng publiko bilang idolo nila. I suggest, Coco, huwag kang magpagamit sa mga bulok na politiko, sa mga inuuod na trapo.
Teka, ok na ba sila ni Julia Montes? Inamin na ba niyang ama siya ng isinilang ni Julia? Sabi kasi, dinamdam ng aktres ang denial ng “rumored” boyfie sa bata na, for me, kung totoo man, eh, di naman dapat ipag-worry ni Coco. Hindi na naman siya teen idol na kahanay nina Joshua Garcia or Donny Pangilinan.
329