BALITANG P1.2-B KINITA NI MAINE, PEKE –MANAGER

SCENES(NI ROMMEL GONZALES)

HAPPY si Rams David na balik-Pilipinas mula sa Japan ang alaga niyang si Taki Saito na isa sa mga cast members ng Banal na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na palabas sa mga sinehan ngayon.

Samantala, nilinaw ni Rams ang fake news na mahigit isang bilyong piso na (P1.2B) ang kabuuang kinita ng alaga niyang si Maine Mendoza sa showbiz!

“Wala namang makapaglabas ng figures, nobody can come up with the figures. Not even BIR. Ang ginagawa ng BIR nagra-rank sila, pero they will not release figures.”

Pinalalabas ng nagpapakalat ng maling balitang ito na may nakuha silang listahan sa BIR kung saan number one si Maine sa listahan ng mga highest earners. Nasa listahan din ang kinita ng bawat celebrity sa kanilang endorsements.

Maaaring number one sa list si Maine, pero walang eksaktong figures dahil walang maaaring maglabas nito sa publiko. Nagulat ba si Rams sa tsikang ito?

“Hindi naman ako nagugulat na may kinikita siya, pero ‘yung fake figures, it’s not true, walang ganun. Saan galing ang accountant nila?” at tumawa si Rams.

“Well it’s nice na malaki ang kinikita niya at hanggang ngayon, maganda ‘yung number of commercials niya,” dagdag pa ni Rams.

 

                                                                                                  ***

Masaya si Jason Abalos dahil nanalong Board Member ang ama niyang si Engineer Popoy Abalos sa 2nd District ng Nueva Ecija.

Si Jason sana ang tatakbo pero nagsimula na siyang mag-taping para sa GMA serye na “Bihag.”
Itutuloy na ng ama ang pagiging politiko at si Jason ay hindi na tatakbo sa 2022.

Gumaganap si Jason bilang si Brylle sa “Bihag” kasama sina Max Collins, Sophie Albert at Mark Herras.
At dahil dati siyang Kapamilya, hiningan namin ng reaksyon si Jason sa issue tungkol kay Jimmy Bondoc at sa diumano’y nalalapit na pagsasara ng Kapamilya Network.

“Ako malulungkot ako, kasi may mga tao dun na naging kaibigan, naging Kapamilya mong itinuring ng ilang taon. Mawawalan sila ng kabuhayan.”

2005 napabilang sa Star Magic si Jason at ilan sa mga kasabay niya ay sina Erich Gonzales at Arron Villaflor. Kaya kahit Kapuso na siya ngayon, may simpatiya pa rin siya sa mga Kapamilya.
Twelve years sa ABS-CBN si Jason at doon siya nagsimulang mag-artista.

Sa tanong kung nakaranas siya ng sexual harassment ay mabilis na sumagot si Jason ng,  “Ah wala, wala!”

Naniniwala ba si Jason na may nagaganap ngang sexual harassment sa showbiz?

“Base po sa mga narinig ko, hindi pa ako artista, mga panahon pa nila… sino ‘to? ‘Di ba meron sa news ‘yan, eh. Pero nung panahon ko po, hindi ko naranasan ‘yan.”

128

Related posts

Leave a Comment