BARBIE IMPERIAL HANDA NA SA MORE MATURE ROLES

barbie55

(NI ASTER A. AMOYO)

KAPAMILYA young star Barbie Imperial turns 21 on August 1 at nakahanda na rin umano siyang gumanap sa mga mature roles.

Malayo na nga ang nara­ting ng ex-“PBB”-housemate-teen-edition-turned-actress matapos itong i-launch ng Kapamilya Network sa seryeng “Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi” na pinagtambalan nila ni JM de Guzman.

Nagkaroon man sila ng kontrobersya ng singer-actor na si JM, willing pa rin si Barbie na makatrabaho ito dahil pareho umano silang professional actors at parte umano ito ng kanilang trabaho.

At 20, nakaranas na rin si Barbie ng pagkabigo sa larangan ng pag-ibig (kasama kaya rito si JM?) but it made her a better and stronger person.

Na-link din noon si Barbie kina Ryle Santiago at Paul Salas na lumipat na sa GMA.

Mayayaman ang mga Imperial sa Bicol but not Barbie na ang pamilya ay nakatira sa gilid ng riles sa Daraga, Albay.

Hindi nakagisnan ni Barbie ang kanyang biological father mula nang siya’y isilang kaya habang siya’y lumalaki ay feeling niya’y kulang ang kanyang pagkatao.

Not too long ago, si Barbie na mismo ang nag-initiate na makita at ma­kilala niya ang kanyang ama na may iba nang pamilya.  Sa halip na kamuhian ng actress ang ama  sa ginawa nitong pag-abandona sa kanila ng kanyang ina at nakatatandang kapatid, ay unti-unting napalapit si Barbie sa kanyang ama at mga half-siblings. Doon lamang siya nakaramdam ng pagkabuo ng kanyang pagkatao.

Si Barbie ay napabilang din sa all-girl dance group ng “It’s Showtime,” ang GirlTrends.

Habang hinihintay niya ang kanyang bagong teleserye, nakagawa siya ng isang digital series, ang “Taiwan That You Love” na pinagtambalan nila ni Paulo Angeles at mapapanood sa iWant.

Although loveless sa kasalukuyan si Barbie, masaya umano siya sa takbo ng kanyang career and enjoys going out with her friends.

199

Related posts

Leave a Comment