BEA TIYAK NA MAKAHAHANAP AGAD NG KAPALIT NI GERALD

be alonzo53

(NI ASTER A. AMOYO)

“MOVING  forward,” ito ang mga katagang tinuran ni Bea Alonzo nang siya’y tanungin sa kanyang estado ngayon.

Nagpapasalamat din ang aktres dahil sa suporta ng kanyang malalapit na kaibigan. Nariyan din ang kanyang trabaho at magiging busy siya in the next couple of months dahil sa bagong movie at te­leserye na kanyang sisimulan na parehong pagsasamahan nila ni Richard Gutierrez at parehong ididirek ni Mae Cruz-Alviar.

Sa movie nina Bea at Ri­chard ay makakasama nila si Angelica Panganiban habang ang yet untitled TV series ay tatampukan din ng nagbabalik-Kapamilya na si Rafael Rosell, kasama sina Christian Bables, Jameson Blake, Roxanne Barcelo, Ana Abad Santos, Isabel Daza at may special participation sina Edu Manzano at Nonie Buencamino.

Sa ganda ni Bea, tiyak na agad itong makakahanap ng kapalit ni Gerald na nata-tag ngayon bilang isang ladies’ man.

###

Kamakailan lamang ay naipanganak na ni Andi Eigenmann ang kanyang second child and her first with her present partner, ang surf champion from Siargao na si Philmar Alipayo.

Baby girl muli ang isinilang ni Andi. Ang kanyang first child na si Ellie ay anak niya sa kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Si Philmar ay may dalawang anak sa magkaibang babae na parehong boy, sina Toro at Kanoa. Ang huli ay kasama ng kanyang ina sa France.

Still on Andi, sinabi nito na hindi niya tinatalikuran ang acting. Willing pa rin umano siyang ipagpatuloy ito kahit sa Siargao na sila namimirmihan.

###

Tatlong Salvador ang magkakasama sa bagong Kapamilya TV series, ang gothic romance na “The Killer Bride” – sina Maja, Janella at Jobelle Salvador.

Sina Maja at Jobelle ay first cousins dahil magkapatid ang pareho nilang namayapang ama na sina Ross Rival (for Maja) at Leroy Salvador, Jr. (for Jobelle). Si Janella naman ay pamangkin sa pinsan nina Jobelle at Maja. Ang ama ni Janella, ang singer-musician na si Juan Miguel Salvador ay second cousin nina Maja at Jobelle.

Samantala, hindi naitago ni Jobelle ang kasiyahan dahil bago lamang siyang engaged sa kanyang fiancé na isang Pinoy businessman na American citizen from Las Vegas, Nevada kung saan may nabiling bahay ang actress at kung saan naka-base ang panganay niyang anak na si Mico na anak niya sa isang dating broadcaster-turned-politician na si Gerry Espina, Jr.  Ang bunsong anak ni Jobelle na si Julina ay anak niya sa isang Japanese businessman na siyang nagmamay-ari ng Botejyu chain of  restaurants in Japan na may local franchise na sa Pilipinas na bitbit ng Viva Foods.

Jobelle tried the politics once nang siya’y tumakbo sa pagka-vice mayor ng Makati but did not make it.  Bukod sa Las Vegas at Pilipinas, si Jobelle ay may condo unit din in Tokyo, Japan.

 

87

Related posts

Leave a Comment