ISA ang performer-host na si Billy Crawford sa judges ng “Your Moment,” ang pinakabagong 2-in-1 reality talent competition ng ABS-CBN kasama ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda at ang actress-singer na si Nadine Lustre.
Sa ipinatawag na press launch para sa bago nilang programa kung saan silang tatlo ang magdi-determine ng winners sa sinasabing original global format, one each from the singing and dancing competitions ay nagkaroon ng pagkakataon ang ilang press people na makausap si Billy. Siyempre pa, happy siya at proud sa kanyang bagong show na sabi nga niya ay kakaiba at pang-world class talaga.
Gustung-gusto naming itanong ang matagal nang katanungan ng mga netizens sa kung ano ang tunay na dahilan sa bigla niyang pagpayat. Marami kasing fans at followers ni Billy ang nagwu-worry nang mapansin nilang tila pumayat ang international singer.
Finally, hindi na nakapagtimpi si Billy na mukhang napikon na sa mga komento at pagtawag sa kanyang “too thin” at binigyang kasagutan na niya ang katanungan ng marami na idinaan niya sa kanyang Instagram post noong November 1 kung saan ipinost niya ang larawan nila ng asawang si Coleen Garcia, taken at the Opulence Halloween Party held in Solaire resort last Oct. 31,organized by Raymond Gutierrez, na walang dapat ikabahala ang kanyang mga tagahanga dahil masaya siya ngayon at tinanggal na niya lahat ng kanyang bisyo.
Parang manika si Coleen in a white frills-and-lace corset, habang si Billy naman ay guwapung-guwapo sa suot na pin-striped suit. Partying on Halloween was a different kind of celebration for Billy.
“I got to celebrate with my everything last night for Holloween (sic). And yesterday was my first year anniv since I stopped drinking, not one lick since. Thanks so much my love for supporting me and being there when I’m irritated.
“Everyone says I lost too much weight and I’m ‘too thin’ etc.,” he said.
“I am NOT sick NOT on drugs just pure happiness and sober! Free from cigs, and now free from alcohol, too. To God be the glory!”
Matatandaang noong 2017, sinadya talaga ni Billy na magpapayat at ginawa niyang priority ang pagiging physically fit before he got married to Coleen in April 2018. Inamin niyang he went on a Ketogenic diet, which meant that he gave up eating carbohydrates such as rice, bread and pasta.
Malaki ang pasasalamat ni Billy sa asawang si Coleen sa suporta at tulong and for staying with him at times that he got irritated.
177