BINOE’S UNICO HIJO ALI, 18, GETS MARRIED!

(NI BEN BANARES)

HINDI naman talaga ‘showbiz’ ang nag-iisang lalaking anak ni Robin Padilla na si Robinhood “Ali” Padilla, Jr. – at wala namang balita tungkol sa kanya lately dahil sa Australia na siya nakatira.

Kaya parang bombang sumabog ang balitang ikinasal na nga ang 18-year-old unico hijo ni Binoe (bunsong anak niya kay Liezl Sicangco).

Ang huling balita kay Ali ay nang mag-post si Mariel Rodriguez noong nakaraang October ng larawan ng mag-amang Binoe at Ali dahil tuwang-tuwa siya sa bonding ng mag-ama.

May tatlong kapatid na buo si Ali: sina Queenie (na naging Mrs. Usman Rashid Mir noong 2012), ang actress na si Kylie (na Mrs. Aljur Abrenica na ngayon), at si Zherileen “Zhen-Zhen” na graduate ng filmmaking degree.

As late as 2017 ay may mga lumabas pang articles na nagsasabing baka si Ali ang “next big thing” – kung papasukin nito ang showbiz. Pero dahil nga ikinasal na ito, mukhang malabo na ito ngayon.

Si Binoe mismo ang nagbalita ng kasal ni Ali at ni Hannah (hindi nabanggit ang apelyido) sa kanyang Instagram post nitong nakaraang weekend. Ginanap ang wedding sa isang beach sa Queensland, Australia.

Bahagi ng mahabang caption ni Robin reads: “It is in our heart God lives. It is where we connect to him. It is also where we can find the one destined. I’m happy my son you have found your love that can bring you closer to the one and only Creator. Fortunately, you found your true love in such young age…”

Congrats, Ali and Hannah!

JOKER  BREAKS WORLD RECORDS

Kapag binasa mo ang reviews ng pelikulang Joker starring Joaquin Phoenix, makikita mong ang critics either liked it a lot – or hated it a lot. Halos walang nasa gitna.

Pero kung ang box-office receipt ang titingnan natin, winner na winner ang pelikulang ito na dinirek ni Todd Phillips (Road Trip, Old School, Starsky & Hutch).

Unexpected talaga ang worldwide success ng Joker dahil hindi ito binenta bilang isang Batman film, kundi isang standalone character study lang ito.

Just a few days ago, bago pumasok itong nakaraang weekend, pumalo na sa $1 billion ang kinita ng pelikula. Dahil dito, isang world record ang binasag ng Joker: Ito ang kauna-unahang R-rated film na umabot ang kita sa $1 billion! Ito rin ang biggest non-fantasy, non-action, non-spectacle drama in term of earnings.

Ang Joker din ang most profitable film based on a comic book, dahil mas maliit ang budget nito compared sa iba. Tinatayang tutubo ito ng $464 million ‘pag ibinawas ang lahat ng expenses.

Ito ang 44th movie na umabot sa $1 billion ang kinita. Ito rin ang ikaapat  ng DC-based movie na pumasok sa “Billion League” na ito. The other three were The Dark Knight, The Dark Knight Rises, and Aquaman.

Nang maka-#1 billion ang pelikula, nag-post agad ng pasasalamat si director Todd sa kanyang Instagram account: “Wow. What a ride this has been!! Thank you to the fans!”

Tiyak na madaragdagan pa ang kita ng pelikula sa mga susunod na araw dahil sa good news na ito – dahil isa lang ang pinahihiwatig ng good news na ito: The movie is worth seeing.

Malapit na rin ang awards nomination season, at mukhang tiyak na ang nominasyon ni direk Todd, ng bidang si Joaquin, at ng screenwriters (Todd Phillips at Scott Silver).

So far, nanalo na ito ng Golden Lion award sa Venice International Film Festival na ginanap noong August-September 2019.

Mukhang nangangamoy panalo na nga!

It looks like the Joker will have the last laugh, after all!

MALAKING FLOP

Samantala, ang latest incarnation ng Charlie’s Angels, starring Kristen Stewart, Naomi Scott, and Ella Balinska – ay isang malaking FLOP!

Mukhang sawa na ang tao sa paulit-ulit na formula movies, no?

Sorry, angels! Your movie went straight to hell!

 

177

Related posts

Leave a Comment