BOY ABUNDA, BAKIT DEDMA SA KRIS AQUINO ISSUES?

BOY ABUNDA AND KRIS

Sa lahat ng mga nangyayari kay Kris Aquino ngayon, marami ang nagtatanong kung nasaan si Boy EXPRESS LOGO copyAbunda? Alam ng marami na super close ang dalawa at kapag may mga umaapi kay Kris, to the rescue lagi si Kuya Boy, kapag may negang balita, kaagad ay may nakahandang sagot ang King of Talk. Pero tila walang Boy Abunda na pumapagitna ngayon lalo na at nasa “hot seat” ang Queen of All Media sa ngayon. Anyare?

Sa isang IG post ni Kris, may nagtanong tungkol dito. “Still friends with Abunda, Miss Kris? Just curious?”

Ang sagot ni Kris, “To satisfy your curiosity, i believe we’ll always care about each other but we are no longer active participants in each other’s lives.”

Sa dami ng reaksyon mula sa mga followers ni Kris sa sinabi niyang iyon, marami rin pala ang gustong itanong ang tanong na iyon na sinagot na nga ni Kris kaya wala na sigurong magtatanong pa tungkol dun.

Si kuya Boy na lang ang magandang tanungin kung ano ang masasabi niya sa sinabing iyon ni Kris tungkol sa kanila.  Baka iba ang sagot niya and sure kami, nobela ‘yun – kilometric pero full of sense.

Sure kami na miss na miss na ni Kuya Boy ang dating alaga. Naku, ang dame nilang pinagsamahan at mahal nila ang isa’t isa, ‘noh!

Sa true lang, nakaka-miss ang showbiz tsikahan nilang “The Buzz” noon. Pramis!

oOo

Trending lagi ang “My Special Tatay” at isa sa masaya sa success ng show ay ang Kapuso singer-actress na si Rita Daniella. Nag-klik ang tambalan nila ni Ken Chan kaya naman lagi silang number 1 sa ratings.

Dahil mahusay ding singer, abala si Rita sa re-run ng Eto Na! Musikal nAPO! na mapapanood sa Maybank Performing Arts Theater ngayong Pebrero hanggang Abril.

Ginagampanan ni Rita sa musical.play ang papel ni Anna, ang love interest ng karakter ni Mark Bautista na si Rick. Happy ang aktres na magkakaroon ng re-run ang musical play.

“Umpisa pa lang ng taon, bumubuhos na ang blessings mula kay Lord. Bukod sa talaga namang tinututukan ng mga televiewers ang ‘My Special Tatay.’  Nakaabang lagi ang mga supporters namin ni Ken at tuwang-tuwa sila sa ka-sweet-an namin.

“Ito namang musical play namin, hindi ko ini-expect na magkakaroon ng re-run. Ibig lang sabihin ay marami pa ang gustong manood at mapakinggan ang timeless hits ng APO Hiking Society,” tsika ni Rita sa panayam sa kanya.

There was a time na naging “nega” si Rita at madaming nasulat na hindi maganda about her. Kung anuman ang mga iyon, tingin namin ay burado na lahat iyon dahil napagtagumpayan naman niyang baguhin ang sarili. Kaya naman kapag  nakita n’yo s’ya ngayon, nakahanda na ang smile hindi gaya noon na laging nakasimangot at galit sa mundo.

Buti naman!  (EXPRESS / RONALD M. RAFER)

2

Related posts

Leave a Comment