BUTI NA LANG KFC ANG INI-ENDORSO NG KATHNIEL

KATHNIEL-5

oleaLove is in the air! Konting kembot, kendeng at kandirit na lang, Valentine’s Day. Araw ng mga Puso, pinakahihintay ng mga magsing-irog!

Syempre pa, inaabangan natin ang mga patalastas na humahaplos at kumukurot sa puso sa pagsapit ng V-day. May forever na pampakilig, Tito KC?!

Aba! Sa Team Jollibee, andiyan ang patalastas ng JoshLia (Joshua Garcia at Julia Barretto, na bida sa zombie movie na Block Z na showing sa Enero 29) at JaDine (James Reid at Nadine Samonte, este, Lustre).

Sa Team McDo, andiyan ang Sharon Cuneta-Gabby Concepcion at AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza), McLisse (McCoy de Leon at Elisse Joson), at BiGuel (Bianca Umali at Miguel Tanfelix).

Hiwalay kung hiwalay?!

Buti na lang, KFC ang inendorso ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla)!!!

APAT NA PROBINSIYANA ANG BAGONG KALABAN NI CARDO

COCO-4Apat na probinsyana ang bagong kalaban ni Cardo Dalisay (Coco Martin) sa ratings. Umpisa sa Lunes, makikipagsalpukan sa FPJ’s Ang Probinsyano ang Kapuso teleserye na Anak ni Waray vs Anak ni Biday, kung saan tampok bilang mag-inang Waray at mag-inang Ilocana sina Snooky Serna, Barbie Forteza, Dina Bonnevie at Kate Valdez.

Inspired ito ng 1984 Regal movie na tinampukan nina Nida Blanca, Maricel Soriano, Gloria Romero at Snooky Serna, plus Nestor de Villa, Luis Gonzales, William Martinez and Gabby Concepcion, directed by Maryo J. de los Reyes (na 2nd death anniversary sa Lunes, ang pilot telecast ng TV version ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday).

Nagbida sina Nida at Nestor sa 1954 movie na Waray-waray, samantalang bida sina Gloria, Ric Rodrigo, Rudy Francisco at Dolphy sa 1954 movie na Dalagang Ilocana.

Sina Amalia Fuentes at Luis Gonzales ang bida sa 1966 movie na Manang Biday.

Oh, yes! Sa pelikula ay anak ni Biday si Snooky, pero sa TV ay siya ang ina ni Waray. Mas bet ni Dina na gumanap bilang Ilocana dahil ang asawa niya ay kasalukuyang Congressman ng Ilocos Sur. Nakapag-campaign nga si Dina sa Ilocano dialect.

Chance din iyon ni Dina para ma-promote ang Ilocos Region. Kaya lang, sa Ilocos Norte ang karamihan ng Ilocos scenes ng bagong Kapuso primetime show.

Whereas comedy ang mga pelikulang Waray-waray, Dalagang Ilocana, Manang Biday at Anak ni Waray vs Anak ni Biday, itong TV version ng ANWvANB ay madrama.

Ang mga ina ay dating matalik na magkaibigan, na naging mortal na magkaaway. Iisang lalaki ang minahal nila at nakabuntis sa kanila. Sabay silang nanganak sa isang ospital, at nagkaroon ng switching ng babies.

Ang dalawang daughter, nang lumaki at nagkakilala, ay naging best friends din. At iisa ring lalaki ang nagpakilig sa kani-kanyang puso.

Biruin mo, tinaray-tarayan ni Biday ang anak ni Waray, samantalang ito pala ang tunay niyang anak?!

Ito na kayang Anak ni Waray vs Anak ni Biday ang magpapatumba sa FPJ’s Ang Probinsyano? Abangan ang susunod na kabanata!

JAY MANALO NAGPAPABATA?

JAY MANALONakalagay sa Google na 43 years old pa lang si Jay Manalo, pero ang aktor na mismo ang nagsabi sa amin na mali iyon.

“Hindi ako nagpapabata, 47 na ako,” sabi ni Jay.

Si Jay ang gaganap bilang ama nina Barbie Forteza at Kate Valdez sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday. Walang kamalay-malay ang mag-best friends na half-sisters pala sila.

Sa tunay na buhay, sandosena ang mga anak ni Jay sa iba-ibang babae. Magkakakilala ang mga anak niya. Nakakasama niya ang mga ito kung b-day niya at Kapaskuhan.

Kaya malabong mangyari sa mga anak niya ang sitwasyon ng TV series kaugnay sa daughter ni Waray at daughter ni Biday.

At any rate, tatlo na ang mga apo ni Jay. (PROOOF / Jerry Olea)

242

Related posts

Leave a Comment