CATRIONA TINAWAG NA ‘FAT’ NG THAI BEAUTY PAGEANT CONTESTANT

catriona gray44

DELETED na ng Thai beauty queen contestant na si Coco Arayha Suparurk ang post niya pero hindi pa rin kumakalma ang mga supporters ni reigning Miss Universe Catriona Gray.

Sa Instagram post kasi ni Coco, pinagtabi niya ang photos ni Catriona at ng Miss Grand International 2018 Clara Sosa. Sinabi sa post na si Clara ay “fit” at si Catriona ay “fat.” Kinuyog si Coco ng fans dahil sa pamba- bodyshame nito kay Catriona.

Matatandaang si Clara mismo ay binatikos din ng Catriona fans noong December 2018 dahil sa post nito na nagpapasaring na “niluto” ang pagkapanalo ni Catriona bilang Miss Universe. Wala pang reaction mula sa tatlong beauties tungkol sa bagong issue.

153

Related posts

Leave a Comment