CLAUDINE KAYANG SIRAIN SI RECOM

PETERLEDESMA(NI PETER LEDESMA)

NILINAW na ni Marjorie Barretto on national television ang puno’t dulo ng galit ng nakababatang kapatid na si Claudine Barretto sa ama ng kanyang youngest daughter na si dating Caloocan Mayor Enrico “Recom” Echiverri na ngayon ay representative ng first district ng naturang lungsod.

Ganunpaman, kapag nag-decide si Claudine na panindigan ang akusasyon na minolestiya siya ni Echiverri ay pwedeng sirain ng actress ang nasabing politiko – na ayon pa kay Marjorie ay inutangan ni Claudine dahil may masamang motibo rito ang sister?

Sinabi pa ni Marjorie sa exclusive one-on-one interview sa kanya ni Karen Davila para sa “TV Patrol” na may mental health problem si Claudine.

Pero, so far, matino namang kausap si Clau na na-interview ng press sa wake ng kanilang Daddy Mike.

Ang hintayin natin ay ang resbak ni Gretchen Barretto kay Marjorie na nasa Los Angeles, California ngayon kasama ng daughter nila ni Tony Boy Cojuangco na si Dominique – at si Mommy Inday na magsasalita raw in defense of Greta at Clau.

Pero nakakaintriga ‘yung pahayag ni Marjorie na “not for sale” ang kanyang mga anak, ha! Parang may pinatatamaan siya rito at sino naman kaya ito?

 

260

Related posts

Leave a Comment