COLEEN  MASAYA SA PAGTIGIL NI BILLY SA PAGLALASING

(NI BOY ABUNDA)

MAY bulung-bulungan na hindi raw masaya si Coleen Garcia sa kanyang buhay may-asawa. Matatandaang nagpakasal ang aktres at Billy Crawford magdadalawang taon na ang nakalilipas. “Mukha ba akong malungkot? Maybe because they don’t see me often anymore? So they can only guess,” bungad ni Coleen.

Hindi lamang sa telebisyon nagpahinga ang aktres dahil maging sa social media ay hindi na rin aktibo si Coleen. “I just felt I needed this time of silence also for myself and I really needed to take a step and reassess everything in my life. But it doesn’t mean that I’m not happy. Actually, I really feel that I’m at my happiest right now. And Billy is really helping me with that,” paliwanag niya. Magbibida si Coleen sa pelikulang Mia na mapapanood na sa mga sinehan simula January 15.

Kamakailan ay pinatulan na rin ni Billy ang isang netizen na nagsabi na hindi mukhang masaya si Coleen sa pagiging asawa ng TV host. Hanggang maaari ay ayaw na raw talagang pansinin ng aktres ang isyu dahil wala itong katotohanan. “Hindi, hindi naman talaga totoo. And we don’t want naman people to believe that and we don’t want people to go on talking about that and believing kung hindi naman talaga totoo. Si Billy kasi ay mapatol sa comments. If somebody has to talk, I guess tama rin naman na i-answer din niya,” nakangiting pahayag ng aktres.

Masayang-masaya si Coleen dahil hindi na umiinom ng alak o nalalasing si Billy ngayon. Nagsisilbi umanong malaking impluwensya ngayon ang aktres sa TV host. “Ang saya, maybe I’m just speaking for myself but as a wife, ‘yon talaga ‘yung happiness na nakukuha ko, na I’m able to influence my partner to be better and to do better. ‘Yung magiging source of inspiration ka na gano’n. Kasi gano’n din siya para sa akin,” pagtatapos ni Coleen. With reports from J.C.C.

 

124

Related posts

Leave a Comment