YUMAO na ang multi-awarded actor-director na si Eddie Garcia bandang alas-4:55 Huwebes ng hapon matapos ang komplikasyon sa tinamong neck fracture, ayon sa kompirmasyon ng Makati Medical Center. Siya ay 90-anyos.
Si Garcia ay nadapa habang nagte-taping sa isang teleserye ng GMA Network noong nakaraang linggo.
Naging comatose at kritikal ang kalagayan ng aktor at hindi na muling nagising.
Si Eddie Garcia, Eduardo Verchez Garcia, sa tunay na buhay, ay ipinanganak noong Mayo 2, 1929 sa Juban, Sorsogon.
173