EDWARD: ‘SI MAYMAY TALAGA ANG BIGGEST CRITIC KO!’

Maymay Entrata-Edward Barber

Maraming mga naranasang pagsubok ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber noong nakaraang taon. Malaki ang pasasalamat ng dalawa dahil nalampasan nila ang mga ito nang magkasama. “Maraming bagay na akala ko hindi ko kakayanin. There were a lot of things that changed me as a per-son. ‘Yung attitude ko, ‘yung mentality ko nagbago dahil sa mga pagsubok. Dahil tapos na, masarap sa pakiramdam. I learned lessons the hard way, the easy way. I’m not saying I know everything, but I’m say-ing I’ve learned so much,” paglalahad ni Edward.

Mayroon ding mga leksyon na natutunan si Maymay sa kabila ng mga nangyari. “Magpasalamat palagi, matutong mag-enjoy sa kabila ng pagiging busy sa trabaho, o stress, o sunod-sunod na kaganapan na hin-di ko naha-handle dati. Napakaimportante ‘yung mag-enjoy ka sa ginagawa mo, nakakagaan ng pa-kiramdam,” pagbabahagi ni Maymay.

Ayon sa dalaga ay importanteng magkaroon pa rin dapat ng panahon o oras para sa sarili ang isang tao kahit na sobra nitong abala sa iba’t ibang mga bagay na ginagawa. “Maghanap ka ng time na mag-isa ka. Kausapin mo si God, mag-pray ka. Makinig ka sa mga sinasabi ng mga tamang tao na nasa paligid mo. Kasi sila ‘yung magre-remind sa ‘yo kung magbabago ka na ba o hindi,” nakangiting pahayag ni May-may.

“Kailangan ‘yung honest, kailangan ‘yung honest to the point na masakit. Si Maymay talaga ang biggest critic ko other than myself. Masakit pero kailangan, some people will hurt you for fun, for their own pur-poses. But some people will hurt you because you need it,” dagdag naman ni Edward.

With reports from J.C.C.  (BOY ABUNDA X-CLUSIVES)

173

Related posts

Leave a Comment