Grabe na talaga ang epekto ng social media ngayon ano?
Sa Instagram, sa Twitter o Facebook na sila nag-aaway, at nagpapalitan ng opinyon.
Eto na nga. Pinatulan na ni Maine Mendoza ang ipina-trending ng ibang fans na hashtag na #NoToArjoTheUser.
Ewan ko naman kasi, bakit ayaw pa nilang mag-move on at tanggapin na karapatan naman ni Maine mahalin ang taong gusto niyang mahalin di ba?
Kaya bilib din naman ako sa Eat Bulaga Dabarkad dahil sinagot niya talaga ito sa Twitter.
Sino ba naman ang dapat na magtanggol sa taong mahal niya kundi siya di ba?
Kaya nagulantang sila nang ipinost niya sa kanyang Twitter account nung nakaraang Lunes ang sagot niya sa trending na iyun.
Sabi niya; “Wow, some ‘fans’ made #NoToArjoTheUser trend today. Congrats! But I say #YesToArjo.”
O eh di naloka sila dahil sinagot agad sila ni Maine di ba?
Kahit ano pang sabihin nila, hindi apektado ang dalaga dahil mas sinusunod niya kung ano ang magpapasaya sa kanya.
Naku! Hingan ko nga ng reaksyon si Sylvia Sanchez tungkol diyan.
Nagyayang mag-lunch yan eh. Makitsika nga ako sa kanya.
FANS NINE-NEGA SI JULIE ANNE
Noong nakaraang Linggo rin, nang first episode ng bagong musical-comedy
show ng GMA 7 na All-Out Sundays, hindi rin tumigil ang ibang fans na nine-nega si Julie Anne San Jose dahil magsasama sila uli ni Alden Richards sa bagong programang ito.
Parang silang dalawa ni Alden ang headline sa programang ito eh, kaya may mga segment talagang magsasama silang dalawa.
Sa totoo lang, ginagawa naman nila ito nun pa sa Sunday Pinasaya, at wala namang problema. Wala namang isyu di ba?
Bago kasi nagsimula ang AOS, nag-trending sa Twitter ang hashtag na #YesToJulie. Mga positibong comments kay Julie, bilang suporta sa Asia’s Pop Diva.
Pero habang ongoing ang AOS, aba nagpa-trending ang mga nega ng hashtag na #NoToJulie.
Nag-trending din iyun at parang tinalo na nga yata yung hashtag na #YesToJulie.
Diyos ko day! Iba na talaga maglalaban-laban ngayon ang mga fans ano?
Ayun na nga!
Natanong kay Julie Anne ang intrigang ito at napapangiti na lang siya.
Sabi niya sa isang interview; “Hindi po ako talaga nagbabasa ng mga sinasabi ng ibang tao…and hindi naman po natin maiwasan na may sinasabi ang ibang mga tao eh.
“As for me, hindi ko naman po kailangang ipaliwanag ang sarili bakit ganito ganyan.
“At the end of the day, gusto ko yung ginagawa ko. I love my job and I’m doing my best para i-fulfill kugn ano po yung dapat na i-fulfill for the day. And of course, I love what I’m doing. I love performing and I want to make people happy in my own little way.”
Hindi naman natin masabi kung mga fans nga ba ni Alden ang may kagagawan nun. Pero hindi raw niya alam kung bakit, dahil okay naman sila ni Alden at friends naman sila.
“Okay naman po kami ni Alden eh.
“Since nung Sunday Pinasaya, wala naman pong isyu eh.
“Hindi ko alam kung saan nanggagaling yun eh“Wala naman pong problema talaga eh,” napapangiting pahayag ni Julie Anne.
Basta focus na lang daw sila sa All-Out Sundays dahil maganda ang feedback at nag-rate di ba? Bongga na yun! (ANG KULIT NI LOLIT)
217