DECEMBER 8, 2019 (Sunday evening) sa Atlanta, Georgia, USA, ang coronation night ng 2019 Miss Universe kung saan ipapasa na ni Catriona Gray ang korona sa kanyang successor. Sa Pilipinas, bukas yun, December 9, 2019 ng umaga.
So, kung tanghali mo na binabasa ito, may bago nang Miss Universe. Pero habang sinusulat ito (Sunday nang hapon dito sa Pilipinas), hindi pa alam kung sino ang bagong reyna.
Ang ating kandidata this year ay si Gazini Ganados, in case nagtatago ka sa ilalim ng bato at hindi mo alam. Okay, crash course tayo on Gazini.
GAZINI WHO?
Full name: Gazini Christiana Jordi Acopiado Ganados. Birthday: December 26, 1995. Birth place: Dapitan City, Zamboanga del Norte. Filipina ang mother niya, Palestinian ang father niya at hindi niya pa nami-meet. Lumaki siya sa mga maternal grandparents niya.
Noong Grade 6 siya, lumipat ang pamilya niya sa Talisay City, Cebu. Courses na tinapos sa University of San Jose – Recoletos: Tourism Management at Health Care Services. Profession: Model. Advocacy: elderly care (dahil malapit siya sa mga grandparents niya na nagpalaki sa kanya) and HIV and AIDS research.
Sumali siya sa Miss World Philippines 2014 at pasok siya sa Top 13. Nitong June ay nanalo siya bilang Miss Universe Philippines 2019.
TOUGH ACT TO FOLLOW
2018 Miss Universe Catriona Gray is definitely one tough act to follow. She’s the ultimate queen: beautiful, elegant, intelligent, eloquent, outgoing and caring.
At alam ni Gazini nag mahirap ngang sundan ang mga yapak ni Catriona. Kaya naman noong unang mga interview niya, marami ang tumaas ang kilay. Will she be able to fill the big shoes of her predecessor?
May mga pumuna sa kanyang communication skills. Kesyo may mga grammatical lapses daw, at may misuse of words, atbp.
Kaya naman to the rescue si Kuya Boy Abunda – na at first ay hesitant na tumulong – pero in the end ay napapayag rin ito na sanayin si Gazini na maghanda para sa mga interviews. Sa kanyang Saturday night show na “The Bottomline,” nag-practice na sila ni Gazini ng Q&A.
BACK-TO-BACK WINS
Dagdag pressure pa kay Gazini ito: Since Pilipinas ang may hawak ng Miss Universe crown, ano ang chances na tayo ulit ang mag-uuwi ng korona? Gaano kadalas na ito nangyari noon?
Sa Miss World, tatlong beses na itong nangyari: 1951 at 1952 (Sweden), 1964 at 1965 (United Kingdom), at 1999 at 2000 (India).
Sa Miss Universe, isang beses pa lang itong nangyari – noong 2008 at 2009 (Venezuela).
Sa Miss Earth, 2014 at 2015 (Philippines).
This year sa Miss Universe, ma-pull off kaya ito ng Pilipinas? Let’s all cross our fingers!
PRELIMINARIES
Ginanap ang preliminaries noong Biyernes, December 6 (Sabado, December 7 sa atin).
Despite the early negative comments sa chances ni Gazini na mag-deliver ng back-to-back win, pagdating niya sa Atlanta, Georgia for the preliminaries, pati ang mga critics niya ay nabigla: Gazini made a turnaround! Tila bigla siyang nagkaroon ng confidence. Nawala na ang initial jitters. Palaban na bigla ang ating kandidata! The phoenix rises!
Sa prelims, each time na lalabas si Gazini ay halatang paborito siya ng audience. Dahil kaya maraming Pilipino doon? O sadyang malakas ang dating ng kandidata natin?
Mapa-swimsuit o gown o national costume, kinabog ni Gazini ang mga kalaban.
Dito sa preliminary competition kukunin ang Top 20 – na ia-announce sa coronation night na mismo. Isa sa Top 20 ay ang mananalo sa online voting.
TOP FAVORITES
Siyempre, kasama si Gazini sa top favorites to win among Pinoy pageant enthusiasts. May kanya-kanya rin silang manok kung sinu-sino ang papasok sa Top 20 out of the 90 candidates.
Kung ako ang tatanungin, ito ang Top 20 ko, alphabetically arranged: Bangladesh, Bolivia, Brazil, Colombia, Curacao, Ecuador, Egypt, Great Britain, Iceland, India, Indonesia, Ireland, Jamaica, Malaysia, Philippines, Puerto Rico, Slovak Republic, U.S.A., Venezuela, Vietnam.
I’m not claiming to be an expert, so kahit kalahati lang sa mga ‘yan ang pumasok, masaya na ako.
DO WE HAVE A FIFTH MISS UNIVERSE NOW?
So, tapos mo nang basahin ito. Si Gazini na ba ang fifth Miss Universe natin? O “thank you girl” lang siya?
Malalaman nating lahat ang sagot diyan, bukas .
209