HINTAYAN SA PURGATORYO…PATUNGONG LANGIT

(By JONATHAN “JONES” ANG)

Ang pelikulang Hintayan Ng Langit na nagkamit ng parangal para sa Audience Choice at Best Actor sa nakaraang QCinema Film Festival ay magkakaroon ng commercial o theatrical release simula ngayong Miyerkules, Nobyembre 21.

A co-production of Globe Studios and Project 8 film production company na pagmamay-ari ng magkasintahang premyadong filmmaker na sina Dan Villegas and Antoinette Jadaone, ang naturang movie (na dinirihe ni Villegas) ay nagtatamtampok kina Eddie Garcia at Gina Pareño sa kanilang natatanging pagganap. Halaw ito sa stage play na sinulat ni Juan Miguel Severo.

Si Pareño ay gumaganap bilang Lisang. Namatay siya sa komplikasyon ng diabetes at matagal nang naghihintay sa kanyang kwarto purgatory. Overstaying na baga. Makulit si Lisang at madalas ay pinagkakatuwaan niya ang ibang mga kaluluwa sa purgatory.

Nang finally ay dumating na ang kanyang takdang araw para lisanin ang purgatoryo, siya naming dating doon ng kamamatay lang na ex-boyfriend niya, si Manolo. Ang dating boyfriend ang papalit sa kanya sa kwartong iyon.

Ano ang pakiramdam o saloobin ng isang naliligaw na kaluluwa sa purgatoryo? Ito ang tinatalakay ng pelikulang Hintayan Ng Langit, ang pelikulang nagbabalik ay director Dan Villegas sa kanyang indie cinema roots.

6

Related posts

Leave a Comment