HOT TOPIC SA SOCMED: JULIA MONTES NANGANAK NA

juliamontes12

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES C. FABIAN)

ISA sa pinakamainit na usap-usapan ngayon sa social media ay ang diumano’y panganganak daw ng aktres na si Julia Montes. Hindi naman matukoy kung saan nila nakuha ang chika pero pati gender ng baby ni Julia na babae raw ay alam nila at dinalaw pa raw ito ni Coco Martin na matagal ng nababalitang ama raw ng ipinagbubuntis ni Julia sa Germany.

Muling naungkat ang matagal ng isyung relasyon nina Coco at Julia dahil sa post ng entertainment columnist na si Lolit Solis tungkol sa dalawa.

“Pinag-uusapan ng tao si Julia Montes. Ang dami-daming speculations, pero nakakatuwa naman na marami ang tuwang-tuwa kung sakali at totoo iyong hinala na nanganak ito at tatay na si Coco Martin.

“Natutuwa sila na isang babae tulad ni Julia Montes ang magiging asawa kung sakali ni Coco. At natutuwa rin sila for Coco kung si Julia nga ang pinili niya na maging ina ng kanyang anak. Excited ang lahat, naghihintay, umaasa na sana may katotohanan ang naturang tsismis at usapan. So hintay-hintay lang dahil kung totoo imposibleng itago ito nina Coco at Julia. At sure ako na kung totoo, Coco and Julia will be very proud. Basta wait na lang tayo sa surprise, at welcome it with love and applause,” post ni Manay Lolit sa social media.

Mas lalong umugong ang ‘panganganak isyu’ ni Julia ng mag-post ang talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang FB account about an actress who recently gave birth. Some netizens speculated that the Kapamilya comedian was referring to Julia and Coco.

# # #

Mahigit isang Linggo nang hawak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bagong listahan ng mga artistang gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot, pero hindi sila naglabas ng mga pangalan.

Kontra si Glaiza de Castro na ilantad ang mga pangalan ng mga artistang sinasabing kasama sa listahan ng 31 celebrities na nasa kamay ng PDEA pero sa mandatory drug testing ay pabor ang Kapuso actress.

Pabor din si JM de Guzman na isailalim sa mandatory drug test ang mga artistang nagtatrabaho sa mga TV network. Sa totoo lang, ayaw na nga sana ni JM na pag-usapan ang isyung ‘yan dahil mahirap din naman ang pinagdaanan niya bago niya nalagpasan ang bisyong ‘yan.

“Masakit din sa akin na pinaghirapan kong… ‘yung nandun ka pa rin. Kailan pa ako matatanggal diyan? Ang hinihingi ko lang… tatlong taon po akong nasa loob ng rehab. Araw-araw, kasama ko, mga adik, pusher. At hindi lang po sila adik, hindi lang po sila nag-take ng drugs or whatever. May pinagdaanan sila na hindi nila kinaya and they chose a different path to patch it up and to move on and to fight,” himutok ni JM.

“I have my meds, I exercise, I talk to people, I stay with my family, I stay close to them, relate to them, with my peers, sa mga kasama ko sa rehab. I fight. I fight a good fight,” seryosong sambit pa ng aktor.

 

207

Related posts

Leave a Comment