HANGGANG sa tinitipa namin ang column naming ito (Linggo nang umaga, Feb. 24) ay labis pa rin kaming hindi makapaniwala sa mabilis na mga pangyayari – ang nakagugulat na pagpanaw ni Kristoffer King, isang mahusay na aktor. Hindi kami ganoon ka-close kay King (tawag sa kanya ng co-workers sa industriya), pero simple at mabait siyang tao.
Nag-message agad sa amin si Bheng Canon, isang common friend, na naisugod si Kristoffer sa ICU ng Adventist Medical Center Manila, Sabado nang umaga (Feb. 23).
Huminto raw nang five minutes ang tibok ng puso ng aktor.
Known to be diabetic, may complications na rin daw, ayon sa mga doktor: infection, pneumonia, sciatica, at heartburn. Critical daw ang susunod na 48 hours.
“Ang nag-inform sa akin ay si Sunny (Garcia, special friend ni King). Pinatawagan agad si Coco (Martin, close friend ng yumaong aktor noon pang indie years ng una).
“Tinanong lang kung ano ang sakit at saang ospital. Usually ay nagpapapunta ito ng tao para mag-asikaso, tulad ng ginawa niya kay Julio noong maospital ito,” kuwento ng source naming si Bheng, na close rin kay Julio Diaz, na ngayo’y nakapiit naman sa kulungan.
Na-publish pa nga namin ang balitang ito, agad-agad sa PEP.ph na online site kung saan contributor rin kami. Mga 6-7pm ‘yun.
A couple of hours later, natanggap namin ang malungkot na balitang at 8:45pm ay binawian na ng buhay ang isa sa best actors of his generation.
He was just 36 years old. Gone too soon. As of press time, wala pang official statement ang pamilya o doktor ng tunay na dahilan ng pagpanaw ng aktor.
Nakaburol si Kristoffer sa Rizal Funeral Homes, #438 Cementina St. corner Libertad St., Pasay. Wala pang impormasyon kung kailan ang libing.
Hiwalay na ito sa kanyang asawang si Nikki, pero sa mga nais tumulong pampinansiyal sa pamilya, maaari ninyong itext si Nikki sa 0910-1139623. Lima ang naiwang anak ni Kristoffer, tatlo rito ay may karamdamang Hunter syndrome.
Ang nasabing sakit ay sinasabing may kakulangan sa “lysosomal enzyme” na mahalaga sa body tissues ng isang tao upang mag-function.
Agad na nagpaabot ng pakikiramay ang Cannes-award-winning director na si Brillante Mendoza. “You will always be my best actor. I will miss u, King!” post nito.
Suki ni Direk Brillante ang aktor with his films – Masahista (2005), Slingshot (2007), Serbis (2008), Captive (2012), at Alpha: The Right To Kill na kapapalabas pa lang commercially nitong Enero.
Paborito rin siyang aktor ng broadcast journalist at filmmaker na si Arlyn Dela Cruz at nakatrabaho niya ito sa kanyang indie films na Maratabat, Tibak, Pusit, at Bubog.
“A very intelligent actor, he (King) acts by reacting and understanding each scene,” pahayag ni Direk Arlyn.
Ang life story niya ay naitampok rin sa “Magpakailanman” ng GMA noong 2013, pinamagatang “Bayarang Adonis: The Kristoffer King Story,” kung saan si Aljur Abrenica ang gumanap sa kanya.
Apat ang napanalunang acting awards ni Kristoffer.
The industry has lost another fine actor. Panalangin at pakikiramay po sa kanyang pamilya at kamag-anak.
288