“Sa Ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.” Marahil ito ang inspirasyon ng panibagong kampanyang “Disiplina muna” ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na naglalayong ibalik ang kultura ng disiplina sa mga Pinoy. Inilunsad ito ng DILG sa pakikipagtulungan ng local government ng Maynila (ito ang pilot area, pero isusunod din ang iba pang mga lungsod sa bansa).
Sina Manila Mayor Isko Moreno, ang aktor na si Dingdong Dantes, at ang actor na ngayon ay Philippine Coast Guard Lieutenant Commander Diether Ocampo ang tatayong “ambassadors of discipline.”
Sa launch ng kampanya last week, sinabi ni Yorme Isko na, “Kami’y natutuwa sapagkat despite our challenges, minabuti niyong dito simulan ang programa. I hope we can achieve your expectations from us but if we fail, which we are not worried about, ipaalala niyo sa amin kung ano ang tama.”
Naglabas din ang video si Diether na nakauniporme pa ng Philippine Coast Guard at nagsasabing, “Walang hindi kaya basta may disiplina.”
Totoo namang parang nawala na ang disiplina sa ating mga Filipino, at ang kawalan ng disiplinang ito ang nagiging sanhi ng samut-saring problema gaya ng traffic, pollution, accidents, atbp.
Kaya, congrats sa DILG at sa mga celebrities na nagboluntaryo ng kanilang serbisyo para sa ikatatagumpay ng kampanyang ito.
Mabuhay kayo!
PINOY CELEBS AT SOCIAL MEDIA: ‘PATOLA’ PA MORE
Nang editor ako ng entertainment section ng Philippine Pulse noong mid-1990s, wala pang smart phones, dial-up pa ang internet ng karamihan at wala pang social media. The only way na makuha mo ang panig ng isang celebrity sa isang issue ay kung pupuntahan mo ito o tatawagan sa telepono.
At para sa latest photos nila, aasa ka sa handlers, managers o studios nila – o magdadala ka ng sarili mong photographer.
Marami ang uma-attend ng presscons dahil naroon ang pagkakataong ma-interview ang cast and crew ng mga pelikula o TV shows.
Fast forward to the social media era.
Ngayon, ang mga celebrities na mismo ang naglalabas ng saloobin nila sa Facebook, Instagram, Twitter. At sila na rin ang nagpo-post ng mga latest pictures nila.
Ito na rin ang naging “battleground” ng mga nagsasalpukang personalities – gaya na lang ng BFF (Barretto Family Feud) kung saan hinihimay ng netizens (at hindi lang ng entertainment press) ang bawat katagang sinasabi. Pati reactions (like, puso, haha, etc.) ay hindi pinapalampas.
Lahat din ay instant critics na – at posibleng kahit na sino ay “personally” makaaway ng patola celebs.
Iba na nga ang landscape ng entertainment business ngayon – pero hindi pa rin nawawala ang ilang bagay gaya ng intriga at awayan.
Mas bumilis lang ang pagkalat ng balita at ng reaksyon natin sa mga ito.
244