MAGKAKALABAN sa Metro Manila Film Festival 2019 ngayong Kapaskuhan ang Culion na pinagbibidahan ni Iza Calzado at Mindanao na pinagbibidahan naman ni Judy Ann Santos. Malapit na magkaibigan ang dalawang aktres kaya masaya raw si Iza para kay Juday sa pagkapanalo nito bilang Best Actress sa 41st Cairo International Film Festival kamakailan para sa naturang pelikula.
“Ever since Culion was voted to part of the MMFF, but first I would like to say that I’m very, very happy for Juday. I sent her a message the moment I saw it. Sabi ko sa kanya, ‘It’s about time na makilala ng buong mundo at makita ang mga mata ni Mara. Kasi napakatagal na niya sa industriya, siya ‘yung iniidolo ko talaga. So in terms of respect and love, not only for Judy Ann as the actress but Judy Ann as the woman and the human being. I really look up to her. So to even just be in the same league, like if I were nominated next to her, masaya na. In terms kasi of this whole thing, ang tagal ko na kasing hindi nag-MMFF. This is the first time that I am the lead. Not the leading lady, the lead and a producer as well,” nakangiting pahayag ni Iza.
Ayon sa aktres ay hindi na lamang niya iisipin na magiging kakompitensya si Juday at sa halip at suportahan na lamang sana ng mga manonood ang walong naglalakihang pelikula ng MMFF 2019. Bukod sa pagiging isang aktres ay sumabak na rin si Iza sa pagiging movie producer dahil maganda umano ang kanyang pananaw sa pagbuo ng isang magandang proyekto.
“I really think we are on a good path. There are so many films that are being made now and I really, really think, katulad nga ng message ng Culion, when we are united we can make progress and I’m very hopeful because papunta na talaga tayo do’n. Nakikita ko na paganda nang paganda ang industriya ng pelikulang Pilipino bawat taon,” paliwanag ng aktres. With reports from J.C.C.
150