JAKE ZYRUS AND NON-SHOWBIZ GF, ENGAGED NA!

(By JONATHAN ANG)

Sa isang episode ng “I Know Right?!” (isang digital entertainment talk show ng Kapamilya Network), kinumpirma ni Jake Zyrus na engaged na siya sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Shyre Aquino.

Matatandaan na noong August 2017, unang lumitaw ang pangalang Shyre Aquino nang ipinakilala ni Jake (the former Charice Pempengco) sa kanyang Instagram account ang bagong ladylove niyang ito.

Sa nabanggit na digital talk show (ng iWant, formerly known as iWant TV, owned and operated by ABS-CBN) na umere noong November 23, the 26-year-old singer was caught off guard o mukhang awkward at medyo nahihiya sa tanong patungkol sa kanyang lovelife.

Aniya: “I never lied so… When somebody asks, of course we say… but actually, this is the first time that we’ve confirmed.”

Bakit nga ba si Shyre na ang ‘the one’ para kay Jake?

“Yung relationship namin, totally different from the past. Kasi, usually, di ba, when you’re in a relationship, like, first year, pabebe ka pa.”

“But I believe, actually, first month pa lang ng relationship namin, talagang naging kumportable na ako sa kanya.”

Dagdag pa ni Jake:

“Parang sa bahay pa lang, parang naisip ko na…‘Bakit ganun? Parang one month pa lang tayo, pero parang taon na kita kilala?’ Dun ko na-realize. Plus, everything was like perfect timing.”

May iba pa bang special reasons kung bakit si Shyre na nga ang ‘right girl’ for him?

“She came into my life na before ako nag-transition and she was there with me all the time..Actually, nung nag-top surgery ako, siya yung nag-alaga sa akin.”

Paano nga ba niya sinabi kay Shyre ang desisyon niyang mag-transition?

“I asked her. Sinabi ko sa kanya I was gonna transition—because I wanted to see her reaction. Because nakilala niya ako nung Charice pa ako. So, I told her na magta-transition ako and I explained to her and everything kung ano yung mangyayari, ganyan.”

“And she just told me one thing: ‘Mahal kita kasi ikaw iyan’…”

Sa pag-uurirat ng mga talk show hosts para sa iba pang detalye ng engagement ng dalawang magkasintahan, ito na lang ang nasabi ni Jake:

“Regalo niyo na sa amin. ‘Yun yung naiiba sa relationship na ‘to and I enjoy it so much. Masaya ako na alam niyo, pero masaya ako na we have some things na kami lang ang may alam,” pagwawakas niya.

24

Related posts

Leave a Comment