JAMES REID MAY KAPALIT NA BILANG PEDRO PENDUKO

james44

(NI ASTER AMOYO)

ALAM na namin kung sino ang bagong  gaganap na Pedro Penduko na inatrasan ni James Reid dahil sa tinamong shoulder injury habang nagti-training for his role sa Pedro Penduko – pero nangako kami sa big boss ng Viva Entertainment na si Boss Vic del Rosario na hindi namin ito ire-reveal until magawa nila ang kanilang formal announcement.

Bagay na bagay sa actor na gaganap sa  papel ng lead role sa Pinoy folk hero na si Pedro Penduko dahil sa kanyang pagiging aktibo sa iba’t ibang  sports activities.  Malamang din na magkaroon dito ng special appearance ang kanyang longtime girlfriend lalo pa’t nasa iisang bubong lamang sila.

Mapapasama sa bagong movie remake ng Pedro Penduko ang isang kilalang comedian (na nasa pangangalaga na rin ng Viva Artists Agency (VAA) at ang child actor na si Alonzo Muhlach na nakatakdang idirek ni Treb Monteras.

      ###

Although hindi pa naipalalabas ang balik-tambalan nina Aga Muhlach at Alice Dixson sa bakuran ng Viva Films, ang psycho-thriller movie na Nuuk na kinunan pa sa Greenland at dinirek ni Veronica “Roni” Velasco, nakatakdang simulan ni Aga ang bago nitong movie project with Viva na pagtatambalan nila for the very first time with Nadine Lustre na huling napanood in her solo project (without her loveteam and boyfriend na si James Reid) sa pelikulang Ulan na kung saan nakasama nito sina Carlo Aquino at Marco Gumabao sa direksyon ni Irene Villamor.

Tatlong Best Actress trophies ang nakuha ni Nadine this year para sa kanyang mahusay na pagkakaganap sa pelikulang pinagtambalan nila ni James Reid noong isang taon, ang Never Not Love You na pinamahalaan ng writer-director na si Antoinette Jadaone.

Kung gumagawa na ng solo projects si Nadine without James, ganito rin ang magiging direksyon ni James with other partners.

      ###

Isa ring palaisipan kung sino ang bagong leading lady ni Paulo Avelino sa first movie project nito under Black Sheep Productions na pinamamahalaan ni Antoniette Jadaone dahil ayaw pa itong i-reveal sa publiko ng bumubuo ng pelikulang Fan Girl.

May pagka-mysterious ang bagong kapareha ni Paulo sa naturang movie. Bakit kaya?

147

Related posts

Leave a Comment