JAMES REID, SPENT BIRTHDAY WITH NADINE, FRIENDS, SIBLINGS

james123

NAG-BIRTHDAY si James Reid noong Sabado, May 11, at isinelebreyt niya ito kasama ang girlfriend na si Nadine Lustre.

Makikita ito sa Instagram account ng aktres kung saan nag-post ito ng mga photos ng birthday boy na kasama ang mga kapatid at kaibigan sa El Nido, Palawan.

Wala namang mahabang caption na inilagay si Nadine sa post, kundi sang maiksing mensahe lang: “Happy 26th! I LOVE YOU! ps. cry baby walker.”

Ang maigsing caption ay nakailang libong likes agad sa ilang oras lang matapos mai-post. Ang ibang photos ay nagpapakita sa grupo na nagre-relax sa isang yate – habang kita sa background ang mga tanyag na limestone cliffs ng Palawan. Sina James at Nadine ay naging magkasintahan simula noong Pebrero ng 2016.

153

Related posts

Leave a Comment