JANE, NANGUNGUTANG NOON PARA MAY MAKAIN

Ngayong buwan ay nakatakda nang simulan ang shooting ng pelikulang ‘Darna’ na pagbibidahan ni Jane de Leon. Ilang taon na ring pinakaaabangan ng mga manonood ang bagong proyekto. Sobrang excited na ng dalaga lalo pa’t nakita na rin daw nito ang costume design ni Darna na kanyang gagamitin. “No’ng pinakita po sa akin ‘yung costume, pina-check lang sa akin kung gusto ko, or any suggestions, ganyan. Pero siyempre sa Mars Ravelo family pa rin nakasalalay ‘yung huling sagot natin diyan,” nakangiting pahayag ni Jane.

 Puspusan na ang ginagawang training ng baguhang aktres para sa naturang pelikula mula sa Star Cinema. “Almost everyday na po ako nagte-training. Fitness training, stunt training, halu-halo po. Kaya actually ito pong boxing sobrang laki rin ng tulong sa akin,” paglalahad niya.

 Kagabi ay ginampanan ni Jane ang buhay ni Nesthy Petecio na isang boksingero sa Maalaala Mo Kaya. Ayon sa aktres ay talagang naka-relate siya sa mga pinagdaanang hirap sa buhay ng world champion female boxer. “Marami eh, kung makikita n’yo lang ‘yung hirap ng buhay niya at kahit ako nagulat ako eh. Hindi ko in-expect eh, ‘yung mga sakripisyong binigay niya para dito, ‘yung pagmamahal niya para sa family niya. Ako nakaka-relate ako kasi galing din naman ako sa hirap. Tapos kami parang dati lang nangungutang tayo, tapos wala tayong makain. Ano ‘yung kinakain no’ng mga panahong walang makain. Gano’n ‘yung mga tanungan namin. Ano ‘yung pangarap talaga namin for ourselves and for our family,” pagbabahagi ng aktres.

 With reports from J.C.C.    

68

Related posts

Leave a Comment