JANELLA ON RUMORED NOSE JOB: LALAPIRUTIN KO SA HARAP N’YO!

janellasalvador123

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES C. FABIAN)

PAGKATAPOS ibuko ni Arci Munoz na nagkakamabutihan na sina Ria Atayde at JM De Guzman, nagsalita na rin ang nakababatang kapatid ni Arjo Atayde sa tunay na relasyon nila ni JM. Hindi talaga tinantanan ng mga press people si Ria tungkol sa tsismis na may something sila ni JM.

Pero pagdidiin ni Ria na close friends lang daw talaga sila ni JM dahil sa small group nila sa showbiz kung saan nagha-hang-out-hang-out daw sila. Hindi rin niya direktang maamin  kung nanliligaw sa kanya ang aktor pero nang matanong kung liligawan siya ng binata ay diretsahan naman niyang sinabi na….. “oo naman, I see no problem. He’s a good friend. Okey naman kami. We click, eh. Tropa-tropa kami.”

Kelan kayo huling nagkita ni JM?  May tsikang nagkita sila sa concert ni John Mayer sa Hong Kong na mabilis niyang pinabulaanan.

“Hala! Hindi! Kasama ko ‘yung friends ko. Andun nga siya at andun din ako.”

Pero hindi na niya maitatangging sabay silang umuwi ng Pinas ni JM dahil may nakakita sa kanila sa airport na magkasabay dumating. Natatawa na lang si Ria at halatang umiiwas na sa pangungulit ng press. Sinabi ni JM that he wants to keep her forever, ganun’din ba siya sa aktor?

“If you have a connection with somebody, kahit sino pa po ‘yan, if they have such a high value in your life already, you want to keep them forever,” sey niya.

Ayaw niyang bigyan ng level ang relasyon nila ni JM. Basta aminado siyang espesyal sa kanya si JM at sa ngayon ay chill-chill lang muna sila.

Napapanood gabi-gabi si Ria sa top-rating na “Halik” ng ABS-CBN.

###

SASABAK na sa drama si Janella Salvador kasama si Maricel Soriano. May working title na The Heiress ang pelikulang pagsasamahan ng Diamond star at ni Janella na ididirek ni Franco Mortiz under Regal Films.

Marami ang nakakapuna na ang ganda-ganda raw niya ngayon kaya naman lumabas ang mga espekulasyong ang Kapamilya singer-actress ay nagparetoke ng ilong. Janella is one of the most beautiful faces among the younger generation in show business. Lumabas ang tsikang she had a nose job nang matanong sa isang interbyu if she ever felt insecure.

The singer-actress admitted that she used to be insecure about her nose. However, she was able to overcome that feeling.
Aminado naman si Janella that there are people who thought that she enhanced her nose.
“Akala ng iba nagpaayos ako ng ilong. No! Excuse me. Gusto n’yo lapirutin ko pa sa harap ninyo eh,”pagdi-dare pa niya para patunayang hindi retokado ang kanyang ilong.

 

127

Related posts

Leave a Comment