JESSY TO LUIS: I KNOW YOU ARE THE ONE FOR ME

(NI RK VILLACORTA)

HINDI ko namalayan na three years na pala ang relasyon ng magsing-irog na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.
Itong pagpasok ng Hulyo ay anniversary nina Luis at Jessy na sa kabila ng mga atake ng mga miron at nakikisawsaw sa relasyon nila (lalo na sa social media) ay matapang nilang naitawid ang relasyon.

Lalo na sa kaso ni Jessy na tila may hate campaign ang mga bashers niya. Alam mong may intensyon na buwagin silang dalawa ni Luis – na for us is very unfair.

Paalala lang, mga miron lang tayo sa lovelife ng dalawa na kasal na lang ang hinihintay dahil wala namang kontra mula sa mga parents nilang dalawa.

Sa kanilang anniversary may mensahe ni Jessy sa boyfie: “I know in my heart you are the one for me. Who would’ve thought? Happy anniversary my love. I love you with all that I am.”

Sagot naman ng binata: “I love you.”

132

Related posts

Leave a Comment