JODI: ‘HINDI AKO MAGMAMARUNONG SA BATAS!’

Sa pangalawang pagkakataon ay naging moderators kaming muli ni Bianca Gonzalez noong Martes ng gabi sa ginanap na ‘Laban, Kapamilya’ online event sa pamamagitan ng Facebook live. Isa si Jodi Sta. Maria sa mga Kapamilya stars na nagbigay ng mga saloobin tungkol sa pagpapasara ng ABS-CBN dahil sa kautusan ng National Telecommunications Commission. Matatandaang napaso na ang prangkisa ng Kapamilya network noong May 4 at kinabukasan ay pinatigil na ito sa operasyon. “Parang in denial ako, nangamba, natakot. Siguro nagalit din ako sa naging desisyon nila na ipasara ang tinuturing naming pangalawang tahanan,” bungad ni Jodi.

Kahit nakaramdam ng takot na ma-bash online ay mas pinili ng aktres na magbigay ng kanyang opinyon tungkol sa pagpapasara sa Kapamilya network. Lumakas ang loob ni Jodi na magsalita nang mabasa ang isang kataga mula kay Martin Luther King na ‘Our life begins to end the moment we become silent about the things that matter.’ “That gave me courage and that is the reason why I am speaking up. Hindi ako magmamarunong sa batas. May mga eksperto tayo diyan,” giit niya.

Mahigit dalawang dekada nang nagtatrabaho sa ABS-CBN si Jodi kaya naman talagang malaki na ang naitulong ng kompanya sa kanyang pamilya. Maraming mga bagay din ang natutunan ng aktres dahil sa pagiging isang Kapamilya star. “I can honestly say na bukod sa family ko, malaking parte ang ABS-CBN sa paghubog ng pagkatao ko. Bilang tao, bilang babae, bilang Pilipino na nagmamahal sa pamilya, sa bayan at sa kapwa tao. Natutunan ko ang rason kung bakit nag-e-exist ang ABS-CBN. Nakita ko na it’s because of love and service. Nakita ko, naramdaman ko personally, kung paano ako minahal ng pangalawa kong tahanan. Nakita ko kung paano nila alagaan at mahalin ang mga empleyado nila. Nakita ko kung paano nila mahalin and to be of service sa sambayanang Pilipino. ‘Yung iba dito na nagkaisip, ‘yung iba gumradweyt ng kolehiyo, ang unang trabaho nila sa ABS-CBN. ‘Yung iba naman dito na nakabuo ng pamilya. For most of us, tahanan po ang tingin namin sa ASB-CBN, pamilya po kami dito. Kung hindi po namin mahal ang ABS-CBN hindi po kami masasaktan nang ganito. Bread and butter po ito ng lahat ng nagtatrabaho dito. Hindi po perpekto ang ABS-CBN pero ang tanong ko, ang pagpapasara ba ng ABS-CBN ang solusyon?” paglalahad ng aktres.

Sa gitna ng lahat ng argumento tungkol sa pagkakasara ng ABS-CBN ngayon  ay mas pinipili na lamang ni Jodi na ipagdasal na maging maayos na ang sitwasyon ng lahat. “I pray that we become sensitive to the feelings of other people. I don’t understand how other people can find joy in the misery and suffering ng ibang tao. I pray for sensitivity. I also pray that we find healing as individuals, as people, as a nation. It is my prayer that we all heal emotionally, mentally and spiritually from this. Hindi po ito magiging posible kung hindi natin paiiralin ang pagmamahal. Hindi po ito magiging posible kung hindi natin isasaalang-alang kung paano natin maaaring pagsilbihan ang isa’t isa,” makahulugang pahayag ni Jodi.

 

-Reports from JCC-

161

Related posts

Leave a Comment