JUDAY BILIB SA MGA KAPWA ARTISTA NA GRADUATE SA SCHOOL

SCENES(NI ROMMEL GONZALES)

TINANONG namin si Judy Ann Santos-Agoncillo kung ano ang number one advise niya sa panganay niyang anak na si Yohan ngayong teenager (14) na ito.

“Basta mag-ingat lang siya. Sa panahon ngayon, napakahirap magbigay ng advice sa mga bata, kasi nagbabago eh, bawat kendeng, bawat ganito, iba, nag-iiba talaga siya, hindi mo alam kung ano ang nangyayari sa school.

“Ang palagi ko lang sinasabi,  if she has questions, do not keep things from us, para alam namin kung paano namin siya iga-guide. Kung may hindi niya alam kung paano i-face, she should be open enough to tell us.

“There’s only so much you can do as a parent, kasi nga sa panahon ngayon hindi mo naman alam kung ano ‘yung totoong sinasabi at ano ‘yung hindi sinasabi, hanggang huli na ang lahat.”

Kapag may nagsabi sa tatlong anak nila (Yohan, Lucho at Luna) na gustong mag-artista, papayag ba sila ng mister niyang si Ryan Agoncillo?

“Hindi naman maiiwasan, eh. Kung gusto nila, mag-aartista talaga sila. Ang sa amin lang ni Rye, just give us good grades and finish your studies.

“Kasi palagi ko rin sinasabi kay Yohan, if there’s one regret na meron ako is hindi ako nakatapos ng pag-aaral ko. Kasi parang feeling ko, at that time nagtatrabaho na ako hindi ko kailangang mag-aral, mali. Maling-mali pala.

“Wala kasi akong choice at that time. I had to work. Pero wala naman akong sinisisi, it was my choice.

“In fairness sa mommy ko, talagang ayaw niyang huminto ako ng pag-aaral. Ako lang ‘yung nagsabi na, ‘Puwede naman akong mag-aral Ma, anytime, pag nakaalagwa na ako.’

“Hanggang sa alam mo ‘yung tinamad ka nang mag-aral, tapos dumating ng dumating ang trabaho, tapos… maganda naman, maganda naman ‘yung nangyari sa akin. Sobrang ganda naman.

“Ang pinagsisisihan ko lang talaga is ‘yung sana ‘yung mga moments na nag-aaral ako, nag-aral talaga ako. Kasi, iba pala talaga ‘yung maibibigay na confidence ng meron kang alam. Na hindi ka lang basta artista.

“Kaya bilib na bilib ako sa mga artista na napapagsabay nila ‘yung pag-aaral at pag-aartista tapos guma-graduate sila. Nakakatuwa. Ako, proud na proud ako kay Jodi kasi nag-aaral siya, kita mo naman kung gaano ka-hectic ‘yung trabaho niya, nakikita mo naman sa mga projects niya, pero gustung-gusto niya talagang mag-aral.

“So I hope these young kids would look into that. Follow the steps of Jodi, kasi napakaganda niyang example sa mga bata.”

Last year ay nakatapos ng kursong Psychology si Jodi.

Season 11 na ang online cooking show ni Judy Ann na “Judy Ann’s Kitchen” sa Facebook at Youtube channel nitong Judy Ann’s Kitchen.

Malapit na ring mapanood ang pagbabalik sa telebisyon ng Queen Of Pinoy Soap Operas sa pamamagitan ng fantaseryeng “Starla” sa ABS-CBN.

 

 

138

Related posts

Leave a Comment