MATUTUNGHAYAN sa isang Kapamilya-produced project ang Kapuso stars na sina Derek Ramsay at Mylene Dizon.
Ito ay sa pamamagitan ng iWant, ang over-the-top streaming app ng ABS-CBN.
Since its launch late last year, nakapag-produce na ang iWant ng mga pelikula at serye na naging trending topic sa social media, kabilang ang Glorious at Bagman (2018); Past Present Perfect, Ang Babae Sa Septic Tank 3, at Mga Batang Poz (2019).
Kasalukuyang umeere ang Sahaya at The Better Woman — GMA-7 primetime series na nilalabasan nina Mylene and Derek, respectively – pero eto nga, may ‘raket’ sila outside their home studio.
Isa sa upcoming iWant originals ay ang action-drama movie called Mga Mata sa Dilim, starring Derek ng Siyete at Jessy Mendiola ng Dos.
Samantala, available na on the iWant app starting this August ang comedy series na Call Me Tita tampok si Mylene, kasama ang mga batikan at premyadong aktres na sina Agot Isidro, Angelica Panganiban, Cherry Pie Picache, at Joanna Ampil. Originally titled “Don’t Call Me Tita” inspired by Cherie Gil’s trending Facebook post, the online series surprisingly doesn’t include Cherie herself dahil pinalitan na siya ni Lorna Tolentino sa di-mawaring dahilan.
Nakakatuwa namang isipin na ang isang online platform tulad ng iWant ay nagagawang mapagsanib ang mga talento mula sa dalawang magkaribal na network, gayundin ang mga artista mula sa indie film and theater community!
408