PABORITONG loveteam sa ABS-CBN Ball 2019 sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel.
Pero mas kuminang nang husto ang bituin ni Kathryn. Ang form-fitting fuchsia gown ni Kathryn ay gawa ni Michael Cinco. Masasabi ngang ganap na ang transformation niya mula sa pagiging prinsesa at ngayo’y isa nang reyna.
Samantala, may bago na ring titulo si Kathryn, ang “Asia’s Superstar.” Ito ang caption ng Instagram post ng Star Cinema. Ito’y matapos ang tagumpay ng worldwide hit na Hello, Love, Goodbye na pinagbidahan ng aktres at ng Kapuso actor na si Alden Richards na ginawaran din ng bagong title, ang “Asia’s Multimedia Star.”
250