KISSES DELAVIN, MUNTIK NANG MAG-QUIT SA SHOWBIZ

delavin2

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES C. FABIAN)

TINULDUKAN ng former Pinoy Big Brother teen housemate na si Kisses Delavin ang usap-usapang magku-quit na siya sa showbiz.

Nagsimula ang balitang tatalikuran na niya ang showbiz nang mag-concert siya at nabanggit niyang sumagi sa kanyang isipan ang tumigil na sa showbiz.

Sa kanyang guesting sa ABS-CBN morning show na “Magandang Buhay,” inamin ni Kisses na sumagi talaga sa kanyang isip ang tungkol sa pagku-quit, pero nagbago na raw iyon dahil naramdaman niyang marami pa rin ang nagmamahal sa kanya.

Aminado si Kisses na ang mga naranasang pamba-bash sa social media mula sa mga dating kaibigan at mga tagahanga ang nag-udyok sa kanya na tumigil na sa pagiging isang artista.

“That’s what I feel. I am here to stay for the people who want me to stay. Kasi as long as there’s at least one person who believes in you, kapitan mo ‘yun” sabi ni Kisses.

Katatapos lang ng kanyang first solo concert at the Music Museum last month and she is now into another chapter in her life. Base sa latest  Instagram post ng kanyang ina, Kisses is now in college. The 20-year-old actress had her first day in school at De La Salle University (DLSU) on Tuesday, May 21.

169

Related posts

Leave a Comment