KOREAN ambassador pala si Sue Ramirez?
“Korean Tourism Ambassador po, for the Philippines since 2016.
“Galing po ito kay ate Jessy Mendiola, and nung natapos na po ‘yung contract n’ya, they looked for another na puwede pong kapalit.
“My duty po is that every time they have events, I have to be present, and I have to perform. And ‘yung pinakamalaking responsibility I think na pinakamadaling gawin for me kasi ang mga Pilipino napakahilig na po natin talaga sa anything Korean: K-pop, K drama, K beauty. Kailangan ko lang i-promote ang Korea which is already loved by Filipinos.”
Walang suweldo si Sue bilang ambassador, pero libre lahat ng biyahe niya sa Korea, pati ang food, accommodations – with allowance.
“Pero may kasama po kailangan na show. Recently I went to Korea with Pia Wurtzbach for her travel show sa Metro channel.”
Sino ang pumili sa kanya?
“Yung mismong Ambassador po and ‘yung PR team from the embassy.”
More on imaging and social media ang responsibilidad ni Sue, at isa ito sa mga dahilan kaya nakuha rin siya para sa pelikulang Sunshine Family.
Nasa kontrata niya na at least once a year siyang bibiyahe patungong Korea.
Isang buwang nag-shoot sa Korea si Sue para sa Sunshine Family, kasama sina Shamaine Buencamino, Nonie Buencamino at Marco Masa.
Ipapalabas na ito sa June 5. Produced by Spring Films/FILM LINE Pictures Productions LTD, ito ay sa direksyon ni Kim Tai-sik.
MINULTO SI JOHN ESTRADA SA SHOOTING NG LATEST MOVIE NIYA
Minulto si John Estrada habang nagsu-shooting ng pelikulang The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story!
Si Mayor Halili ang mayor ng Tanauan na binaril sa Batangas noong July 2, 2018 habang nasa flag-raising ceremony sa City Hall.
Si John ang gumanap bilang Mayor Halili at ayon sa kuwento ni John…
“I saw it with my own two eyes, na yung palakol talaga, sa sala, may eksena kami dun ni direk, nahulog na lang basta!
“At ‘yung palakol na yun, hindi siya ‘yung parang kahit na hanginan, eh bigla na lang mahuhulog, kasi mabigat.
“Tapos yung patay-sindi ng ilaw, pati yung ilaw namin sa set. At yung PA ni Ara, dahil may third eye siya, sinasabing nakikita niya talaga si Mayor na roaming around the house talaga.
“Naramdaman namin na nandun talaga si Mayor parati during nung shooting days namin.”
Palabas ngayon sa mga sinehan ang The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story na ang direktor ay si Ceasar Soriano (kung saan gumanap rin siya bilang Ceasar Soriano na isang journalist) with Ara Mina, Juan Miguel Soriano, at Phoebe Walker bilang Sweet Halili na anak ni Mayor Halili at bagong Tanauan mayor.
151