KRIS AQUINO AT WILLIE REVILLAME, ‘NAGHARUTAN’ SA ‘WOWOWIN’

kriswil12

shumo-showbiz copy(NI JONATHAN ANG)

MARAMI ang naaliw sa ‘harutan’ nina Kris Aquino at Willie Revillame nang magkausap ang dalawa via phone patch sa “Wowowin.”

Sa May 21 (Tuesday) episode ng naturang Kapuso afternoon show, sinabi ni Kris na sasagutin niya si Willie sa June 4 kapag niligawan siya ng TV host.

Nataon kasi na may isang studio contestant na Kris Aquino impersonator (si Chino Liu a.k.a. Krissy Achino na sound-alike talaga ni Tetay bagama’t look-alike ni John Lapus), nasumpungang tawagan ora-orada ni Willie ang tunay na Krissy.

Nagka-chikahan sina Kris at Chino (na ultimate dream makita nang personal ang tinaguriang Queen of All Media), at nagkaroon din ng tuksuhan sina Kris at Willie nang kumustahin ng TV host ang love life ng multimedia star.

“So, ‘wag na natin patagalin. Kung liligawan mo ako, June 4 sasagutin na kita. ‘Yun ang birthday gift ko kay Kuya Josh,” sambit ni Kris sa natatawang si Willie.

“Matutupad na ang pangarap niya na si Willie Revillame naging stepfather niya,” kuda pa ni Kris na natatawa rin.

Sa sarili nitong Facebook account nitong Thursday (May 23), ipinaliwanag ni Kris ang pinanggalingan ng kaniyang “ligawan mo ako” chorva.

“There’s a lot about yourself you can discover when feeling vulnerable because you’re aware that the results of tests done on you will have answers about life expectancy and quality of life,” saad ni Kris, na parang sinasabing hindi na ang sarili ang kanyang prayoridad kundi ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

 

162

Related posts

Leave a Comment