LIZA IS WORLD’S MOST BEAUTIFUL WOMAN

(NI ASTER AMOYO)

ANG Kapamilya star na si Liza Soberano ang #1 sa 100 Most Beautiful Women in the World base sa online voting ng Starmometer entertainment blog.

Out of the Top 100, apat sa mga kilalang Filipina celebrities ang pumasok na pinangunahan mismo ng ka-loveteam at girlfriend ni Enrique Gil. Pang-#12 ang reigning Miss Universe na si Catriona Gray, pang-#23 ang singer-actress na si Nadine Lustre at pang-#70 naman ang Kapuso young actress na si Gabbi Garcia.

Ang Top 100 Most Beautiful Women in the World ay binubuo ng mga kilalang personalities from all over the world.

Samantala, kasalukuyang nasa Croatia (part of Europe) ang magkasintahang Liza at Enrique kasama sina Direk Cathy Garcia-Molina at ang Japanese ex-“PBB” housemate-turned actor-comedian na si Fumiya Sankai para kunan ang ilang mga eksena para sa pinakabagong teleserye ng LizQuen, ang “Make It With You”.  Ito’y muling pinamamahalaan ni Direk Cathy na siyang nagdirek ng dalawang naunang TV series nina Liza at Enrique, ang “Forevermore” at “Dolce Amore”.  Si Direk Cathy rin ang nagdirek ng kanilang hit movie na My Ex And Whys in 2017.

###

Showing na on October 16, 2019 ang first team-up nina Carlo Aquino at Maine Mendoza na dinirek ni Prime Cruz under Black Sheep Productions. Maganda ang trailer at marami na ang excited na mapanood ang unang tambalan ng dalawa.

Since naging record-breaking ang unang tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang Hello, Love, Goodbye na dinirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema, hindi maiaalis na ikumpara ang magiging performance ng Isa Pa with Feelings nina Carlo at Maine sa HLG nina Kathryn at Alden na kumita ng halos isang bilyong piso (including international screenings).

Ang Black Sheep Productions ay subsidiary ng Star Cinema ng ABS-CBN kaya inaasahan na mabibigyan ng equal exposure ang pelikula nina Carlo and Maine.

Ngayong malapit nang ipalabas ang movie nina Carlo at Maine, hindi kami magtataka kung mapapanood si Carlo sa “Eat Bulaga!” at “Daddy’s Gurl” at si Maine sa mga programa ng ABS-CBN to promote their movie.

###

Hindi ikinakaila ng international stage singer-actor na si Mark Bautista na sandali umano siyang nag-lie low sa kanyang career nang maging controversial ang kanyang inilabas na libro, ang Beyond The Mark early last year.

Ang feeling ni Mark noon ay masyado siyang nahusgahan ng ibang tao. Pero wala umano siyang pinagsisihan sa kanyang ginawang pag-out sa kanyang libro at sa halip ay naging liberating sa kanya ang pagsulat nito.

Bago lumabas ang libro ay inunahan na umano niya itong sabihin sa kanyang pamilya – na nabigla – pero ito’y napalitan ng pang-unawa at pagmamahal. Ganoon din ang naramdaman ni Mark sa kanyang malalapit na kaibigan na hindi naging judgmental sa kanyang ginawa. He was bashed pero ito’y pinalagpas niya hanggang sa mag-die ang issue.

Mark is a self-confessed bisexual pero inamin nito sa inyong lingkod na gusto niyang magkaroon ng anak balang araw.

Ginagawa noon ni Mark ang off-Broadway musical na Here Lies Love sa Seattle Repertory Theatre in Seattle, Washington in 2017 (na una niyang ginawa sa Royal National Theatre sa West End in London in 2014) nang maisipan niyang isulat ang libro.

Sa mahabang panahon ay sinikreto niya ang mara­ming bagay tungkol sa kanyang sarili at gusto niyang mawala ang walls sa totoong pagkatao niya, the very reason why he wrote the book.

“Para akong nabunutan ng tinik when the book came out,” aniya.

Never umano niyang inisip na magkakaroon ng repercussion sa kanyang career kapag lumabas ang libro at wala umano siyang pinagsisihan sa kanyang ginawa.

Nang mag-die down ang issue tungkol sa kanyang self-confession in his book, Mark was never busier pero aminado siya na kinabahan umano siya nung umpisa on how people would react pagkakita sa kanya.

Hindi rin niya inakala na magiging best seller ang kanyang libro which was published and released ng VRJ Books.

 

157

Related posts

Leave a Comment