NAMUMUO na nga yata ang romansa sa pagitan nina Lovi Poe at Montgomery Blencowe.
Ang British guy na si Blencowe ang L.A.-based executive producer ng American films tulad ng Marauders (2016) at Escape Plan 2: Hades (2018).
Nitong Lunes, Hunyo 24, nag-share ng isang litrato si Lovi kasama ang naturang Briton nang dumalo sila sa Royal Ascot, isang prestihiyosong annual horse-racing event sa Ascot, Berkshire, England.
Naka-tag ang lalaking nagngangalang Montgomery Blencowe at may Instagram handle ito na @montyblencowe.
Ang tanging caption ni Lovi: “My Hat date to the races [winking emoji] #RoyalAscot”
Mukhang hindi ito ang unang pagkakataong nakasama ni Lovi ang film producer.
Base sa kanyang Instagram posts, noon pa lang Enero ay nagkita na sila ni Blencowe sa Los Angeles.
Isa pang meet-up ang naganap noong Pebrero na may photo op din sila sa isang posh restaurant sa Las Vegas.
Latest na pagtatagpo nila ‘yun ngang sa England this month.
Dahil obvious na pumapag-ibig na si Lovi, expectedly happy ang naging reaction ng kanyang celebrity friends na sina Benjamin Alves, Iza Calzado, Maja Salvador, at Paulo Avelino.
Who knows? Baka si Blencowe na nga ang Mr. Right for Lovi!
Daboy, ‘magbabalik’ sa Kapamilya Network
“Nagbabalik si Daboy sa ABS-CBN.”
Ito ang masayang balitang ibinahagi ni Lorna Tolentino tungkol sa kanyang namayapang mister na si Rudy Fernandez.
Ani LT, nasimulan na ang pag-uusap para sa muling pagpapalabas ng mga klasik na pelikula ni Daboy tulad ng Anak Ng Tondo, Kahit Ako’y Lupa, Lumuhod Ka Sa Lupa, Pasukuin Si Waway, at Victor Corpuz.
Si Rudy ang itinuturing na Action Prince ng Philippine Cinema kasunod ni Da King Fernando Poe Jr.
“Nag-meeting na kami ng ABS-CBN para sa mga pelikula ni Daboy (Rudy Fernandez),” lahad ni Lorna sa isang ambush interview kamakailan.
How soon ba ang pagpapalabas ng Daboy classics?
“First time lang namin mag-meet, aayusin pa namin. Pero sure na po ‘yun,” dagdag pa ni LT.
Kilala ang ABS-CBN sa proyekto nitong sagip pelikula, kaya open si LT sa posibilidad na ma-digitally restore din ang ilan sa mga naiwang pelikula ni Daboy.
Taong 2008 nang mabiyuda si LT. Mula nang pumanaw si Daboy dahil sa sakit na cancer sa edad na 56, hindi na muling nagka-lovelife ang premyadong 57-year-old actress.
168