MAINE, ARJO NAISPATAN SA SINGAPORE

maine arjo singapore12

ISANG “cute weekend together.” Ito ang description ng netizens sa Singapore getaway nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Universal Studios Singapore.

Nagkalat ngayon sa social media ang photos ng dalawa – together – kasama ang mga fans. Pero sa kani-kanilang socmed posts, wala silang photos na magkasama – lahat solo. Ang caption ni Maine sa kanyang Instagram photo ay “weekend wanderer [Ferris wheel

emoji],” habang ang kay Arjo naman ay may caption na, “Sunday fun day.”

Mula nang sila’y magsimulang mag-date, naging medyo low-key at secretive sila sa kanilang relasyon – na nagpapakilig naman sa mga gusto silang magkatuluyan. Pero lately, medyo mas open na sila sa kung ano man ang mayroon sila, at palagi nang nakikita sa mga get-together with friends or birthday parties.

134

Related posts

Leave a Comment